Cherry Pie Picache overjoyed as Best Actress for "Foster Child"


Cherry Pie Picache was chosen Best Actress in the recently concluded Osians Cinefan Film Festival in New Delhi, India.



Kamakailan lang ay nagwagi si Cherry Pie Picache ng kanyang first international Best Actress award sa Durban International Filmfest sa South Africa para sa kanyang pelikulang Kaleldo, ang pelikula ng Center Stage Productions at idinirek ni Brillante "Dante" Mendoza.



Ilang linggo lang ang nakalipas, kinilala na naman ang kahusayan ni Cherry Pie bilang dekalibreng aktres nang manalo siyang muli bilang Best Actress sa Osians Cinefan Film Festival sa New Delhi, India. Ito ay para sa Foster Child na si Dante Mendoza rin ang direktor para sa Seiko Films.



Gabi ng July 29, Linggo, nasa CCP Main Theatre sa Roxas Boulevard si Cherry Pie bilang presenter ng Best Actress trophy sa Cinemalaya 2007 awards night. Nasa gabi ng parangal din na 'yon ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinabi pa nga ni Cherry Pie onstage bago i-announce ang pangalan ni Ina Feleo bilang Best Actress para sa Endo, "It's my pleasure to present this award."



Hindi sukat-akalain ni Cherry Pie, after ng awards night na 'yon sa CCP, na siya mismo ang gagawaran ng pagkilala bilang pinakamahusay na aktres sa India filmfest.



Kuwento ng manager ni Cherry Pie na si Ed Instrella, "Direk Dante was in New Delhi to receive the award. Nang matapos kami sa CCP, kumain kami sa labas. Kasama pa namin sina Jane [Jaclyn Jose, na alaga rin ni Ed], Andoy Ranay, Eugene Domingo, at marami pa, nang maka-receive ng text si Cherry Pie from Direk Dante nga from new Delhi. Ayun, very excited ito na ibinalita niyang nanalo nga si Cherry Pie ng best actress."



Sinabi pa ni Ed na masayang-masaya ang kanyang alaga sa blessing at karangalang biyaya muli ni Cherry.



"She's so happy both for herself and the film Foster Child na unti-unti nang nagiging controversial among cineastes," sabi ni Ed. "Basta sobrang saya si Pie at siyempre, proud rin dahil napansin na naman ang Pinoy," dagdag ng manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa Osians Cinefan Film Festival, isang film festival na ang sakop ay Asia at Arab countries, tinalo ng ating pambato na si Cherry Pie ang entries ng mga bansang Iran, China, Korea, Lebanon, Tunisia, Israel, Thailand, at Indonesia. Kaya walang pagsidlan ng galak ang award-winning actress.



Matatandaang noong May 2007 ay ipinalabas ang Foster Child sa prestihiyosong Directors' Fortnight ng Cannes Film Festival.



Sa telebisyon ay may dalawang international awards na rin si Cherry Pie bilang Best Actress. Ito ay kapwa galing sa Asian TV Awards. Nanalo siya for a GMA-7 telemovie at sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.



Samantala, nang makauwi na sa Pilipinas si Direk Dante from India noong July 30, masayang nagkakuwentuhan pa ang direktor at ang aktres nang kunin ng huli ang kanyang plaque at trophy at aniya'y hinding-hindi niya ito malilimutan.



Ngayong Setyembre ay nominado rin si Cherry Pie sa Gawad Urian para rin sa Kaleldo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN