Sharon Cuneta prefers not to be on good terms with ex-husband Gabby Concepcion

IMAGE Noel Orsal / Photo from Instagram (@iam_topaciogabbymarkanthony

After briefly patching things up early last year, former couple Sharon Cuneta and Gabby Concepcion had a falling out again a couple of months later.


Inamin ni Sharon Cuneta na hindi pa sila nagkakabating muli ng dating asawa na si Gabby Concepcion.

Pero ayon sa Megastar, mas mabuti na raw ito.

Noong nakaraang linggo, nag-post si Sharon ng collage ng larawan nila ni KC Concepcion, anak ng singer-actress kay Gabby.

Caption dito ng singer-actress: “The VERY BEST PROJECT/PRODUCTION of Sharon & Gabby. She got her Pa’s perfectly handsome face, and most everything else from Ma.”

Sa comments section, isang fan ang nagtanong kay Sharon kung bati na ba sila ni Gabby.

Sagot ng Megastar: “No pa nga eh. Hayaan na natin buti na ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A VERY SHORT REUNION

Noong February 2018, nagkaroon ng TV reunion sina Sharon at Gabby para sa endorsement ng isang kilalang fastfood chain.

Nagkaayos ang dating mag-asawa at finollow pa nila ang isa’t isa sa Instagram.

Ikinatuwa naman ito ng anak nilang si KC.

Nagkaroon din ng planong magkaroon ng reunion movie ang dating magka-love team.

Pero pagdating ng April, nag-unfollow ang isa’t isa sa social media, kasunod ang balitang hindi na matutuloy ang kanilang reunion movie.

Hindi tinukoy kung ano ang pinag-ugatan ng muling pagkasira ng samahan nina Sharon at Gabby.

Pero matalinhaga ang posts at comments ng dating mag-asawa sa social media.


Stories We Are Tracking

Gabby Concepcion keeps mum on Sharon Cuneta's tirades
Gabby Concepcion keeps mum on Sharon Cuneta's tirades
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on IG
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on IG
Sharon insists no bad intentions in TV interview about Gabby
Sharon insists no bad intentions in TV interview about Gabby
Sharon, Gabby spotted in a meeting with Star Cinema head
Sharon, Gabby spotted in a meeting with Star Cinema head

BIRTHDAY GREETING FOR KC

Samantala, ipinagdiwang ni KC ang kanyang 34th birthday nitong April 7, Linggo.

Idinaan nina Sharon at Gabby ang pagbati nila sa anak via social media.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN