Judy Ann Santos sad as she parts ways with "Ouija" co-stars


"Grabe kasi ang naging bonding namin. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ako ka-close sa kanila. I mean, kami ni Jolina close na kami dati pero hindi ko ine-expect na maging ganito ko ka-friend si Iza [Calzado], lalo na si Rhian [Ramos]. Mami-miss ko talaga sila," says Judy Ann Santos.



Hindi na itinago ni Judy Ann Santos ang kanyang lungkot na unti-unti nang mababawasan ang pagkikita nila ng co-stars niya sa pelikulang Ouija. Ayon kay, Juday naging malapit na kasi siya sa kanyang mga kasama sa horror movie.

"Grabe kasi ang naging bonding namin. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ako ka-close sa kanila. I mean, kami ni Jolina close na kami dati pero hindi ko ine-expect na maging ganito ko ka-friend si Iza [Calzado], lalo na si Rhian [Ramos]. Mami-miss ko talaga sila," sabi ni Juday.

Gumagawa rin daw siya ng mga paraan para hindi matapos ang kanilang bonding.

"I have asked Jolina, Iza, and Rhian to help me re-decorate Café Carabana on its 5th anniversary. That way, magkikita pa rin kami," sabi ng drama princess.

Hindi naman daw imposible na gumawa ulit ng pelikula si Juday sa bakuran ng GMA Films.

"Bakit naman hindi? Maganda naman ang naging experience ko sa GMA Films at saka never naman nila akong itinuring na salta o tumawid ng bakod. Dito talagang at home ako," ani Juday.

Sa kabila ng lungkot, hindi naman matawaran ang saya ng kasali sa buong produksiyon, lalo na kapag naririnig nila ang mga magagandang reaksiyon ng manonood.

Si Jolina at ang boyfriend nitong si Bebong Muñoz, ilang beses nag-ikot sa mga sinehan para lang i-check ang reaksyon ng audience.

"Gusto ko kasing malaman kung dun sa mga parts na nagugulat ako, nagre-react din ang mga tao. Nung nagpunta kami, nakakatuwa kasi talagang sigawan sila," kuwento ni Jolens.

"Ako, sampung beses ko na napanood ang Ouija pero hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako sa mga eksena. I'm really proud of Jolina and her co-stars, kasama na 'yung bumubuo ng production," sabi naman ni Bebong.

Narating na raw ng pelikula ang ine-expect na kita nito sa takilya. Ipinagmamalaki ng mga namamahala ng GMA Films at Viva Films na walang padding ang figures na nakuha nila noong Linggo, July 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It has reached its 50-million [pesos] mark on the first five days. May weekend pa at parating ang pay day kaya ine-expect namin na dodoble pa ang figures," pahayag ni Vincent del Rosario ng Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN