Miles Ocampo excited about John Lloyd Cruz comeback

IMAGE Rose Garcia / Instagram

Miles Ocampo on John Lloyd Cruz: "Masaya si Kuya, e, so happy. Happy naman ako para sa kanya."


Excited na si Miles Ocampo sa napapabalitang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz.

Nito mga nakaraang araw ay naging laman ng balita ang pagbabalik ng aktor—na mahigit isang taon nang naka-indefinite leavesa pamamagitan ng isang endorsement.

Nagkasama sina Miles at John Lloyd sa ABS-CBN comedy series na Home Sweetie Home, kung saan sila naging close.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Miles sa Fox movie na Maledicto noong April 4, hiningi namin ang reaksiyon niya sa pagbabalik ni John Lloyd.

Aniya, “Alam mo, excited ako. Sana nga bumalik na si Kuya.”

Masaya raw siya kung totoo ngang magbabalik-showbiz ang award-winning actor.

“Siyempre naman lahat matutuwa.

“Lahat naman tayo nami-miss siya. Lahat naman sa show, nami-miss siya. 

“Masaya kung babalik siya at, sana, totoo.”

Ayon kay Miles, patuloy ang komunikasyon nila ni John Lloyd sa pamamagitan ng text messaging. Pero hindi raw siya nagtatanong pagdating sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VISIT FROM JOHN LLOYD

Nag-aaral si Miles sa University of the Philippines, kung saan kumukuha siya ng kursong Malikhaing Pagsusulat o Creative Writing.

Minsan daw ay dinalaw siya ni John Lloyd sa unibersidad.

Kuwento Miles, “Hindi ako nagtatanong basta sa work, kahit noong dinalaw niya ako sa UP.

“Birthday ko po, e, meron akong birthday dinner after ng taping namin ng Home Sweetie Home.

“E, sabi niya, hindi siya puwede. Sabi niya, ‘Pupuntahan na lang kita.’

“‘Tapos, pinuntahan niya ako. Nag-food trip kami dun, nagkamustahan.”

Sa kilalang kainan sa UP, ang Mang Larry’s, sila kumain ng aktor.

May nakita ba siyang pagbabago ngayon kay John Lloyd kumpara noong magkasama sila sa trabaho?

Sabi ni Miles, “Wala, ganun pa rin siya. Same pa rin, ganun pa rin si Kuya.

“Nagkaka-text-an kami minsan, hanggang ngayon. Okay naman, happy siya.”

Gusto niya kung ano ang kanyang nakikita ngayon kay John Lloyd?

“Masaya si Kuya, e, so happy. Happy naman ako para sa kanya,” tugon ng Kapamilya actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz to finally make a showbiz comeback?
John Lloyd Cruz to finally make a showbiz comeback?
John Lloyd Cruz confirms his pagbabalik
John Lloyd Cruz confirms his pagbabalik
Ellen Adarna, John Lloyd Cruz spotted with their son Elias Modesto at Cebu cemetery
Ellen Adarna, John Lloyd Cruz spotted with their son Elias Modesto at Cebu cemetery
Miles Ocampo still in contact with John Lloyd Cruz
Miles Ocampo still in contact with John Lloyd Cruz

PATCHING THINGS UP WITH KATHRYN

Marami naman ang natuwa sa pagkakaayos nila ng dating kasamahan sa Goin’ Bulilit na si Kathryn Bernardo.

Sa Instagram post ni Miles noong birthday ni Kathryn, mababasa ang mga komento ng fans na nasubaybayan ang pagiging matalik nilang magkaibigan noon.

Lahad ni Miles, “Nag-reunion kami ng Goin’ Bulilit, doon, nagkausap kami.

“First time naming magkasama ulit after five, six years, ngayon lang kami nagkasama-sama talaga nang matagal. 

“‘Tapos, nagkausap kami.”

Naayos nila kung anuman ang naging isyu o hindi nila pagkakaunawaan dati?

“Yes, narinig ko na yung side niya and narinig na rin niya ang gusto kong sabihin.

“Okay na po yun, at least kaming dalawa, clear na sa amin kung ano ang nangyari at kung ano ang naramdaman ng isa’t isa.”

MILES AS A STUDENT

Sa isang banda, hindi naging hadlang kay Miles ang pagiging artista para maipagpatuloy niya ang pangarap makapagtapos ng kolehiyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit Malikhaing Pagsusulat ang napili niyang kurso?

“Kasi, galing ako ng theater.

“Pinili ko siya kasi, sabi ko, alam ko na ang mga galawan dito. Dyuskupo, hindi!” natawang sabi ni Miles.

“Ibang-iba pala siya sa mundong ginagalawan natin.”

Patuloy niya, “Grabe, tumaas yung respeto ko sa mga taga-teatro. Hindi biro ang ginagawa nila.

“Lalo na ako, yung first destination... kasi bukod sa practice namin, may practicum kami.

“Ang first designation ko, sa costume ako.

“So, ako ang nagpapabihis sa mga artista, ako ang nagbibigay ng costumes nila, ako ang nagtatabi.

“Masaya naman ako, although sa theater kasi, dapat yung buong life mo... time talaga.”

Kailan lang daw natuklasan ni Miles ang hilig sa pagsusulat kaya itinuloy na niya ang kursong Malikhaing Pagsusulat.

“Alam niyo yung sa pagsusulat, gusto ko lang i-try yung scriptwriting ni Sir Ricky Lee. Wala akong agenda.

“‘Tapos, pumila lang ako sa UP.

“Sa UP kasi yung sa mga workshoppers niya, ginawa ko yung process.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Tapos, habang nagwu-workshop ako, nae-enjoy ko. Na-enjoy ko siya.

“Masarap pala yung feeling na meron kang way to express. Kaya sabi ko, magsi-shift na lang ako. 

“Mas okay ngayon kasi mas hawak ko na ang oras ko.

“May mga araw kami na ‘writing break’ kami, so yun, masaya.”

Ang mahirap lang daw sa pagsusulat, minsan depende rin sa mood o kung inspired ba siya.

“Yun ang hirap, kasi nasa mood siya or kailangan inspired kang magsulat.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN