Robin Padilla mourns passing of veteran stuntman Boy Roque

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Boy Roque was featured in over 120 films and TV shows before his passing due to heart attack last April 9.


Nagluluksa ang mundo ng action movies at teleserye dahil sa pagpanaw ng action director at veteran stuntman na si Boy Roque.

Inatake sa puso ang pinagpipitagang kontrabida ng Pinoy action films at TV series, nitong Martes ng gabi, April 9.

Ngayong Miyerkules, April 10, nagpahayag ng kalungkutan ang ilang nakakakila sa kanya mula sa mundo ng showbiz, kabilang na si Robin Padilla.

Sa Instagram post ni Robin, ibinahagi niya kung gaano siya kalungkot sa pagyao ni Boy, na itinuturing niyang "maestro."

Mensahe ni Robin (published as is):

"Pumanaw kagabi dahil sa atake sa puso ang aking maestro sa Filipino Martial Arts Guro Boy Roque.

"Pinakamalusog at pinakamalakas na Martial artist na kilala ko isang iglap wala na.

"Napakarami ko natutunan sa iyo sa pagiging mandirigmang pilipino nagawa nating matibay na pader ang ating depensa at opensiba sa labanan at palakasan ngunit............ kailanman ang puso natin ay hindi natin mapapalakas katulad ng ating pisikal na katawan kayat nananatili itong marupok dahil ito ay tumitibok hindi dahil sa ating lakas ng katawan o muscle tumitibok ito dahil sa ating nararamdaman na pagmamahal, pag ibig, kalungkutan at kasiyahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikiramay ako sa iyong mga naiwan maestro ko. Akoy nagdadalamhati sa iyong pagkawala dahil salamin kita at inspirasyon.

“Kailanman hindi ka naging mapanglamang sa kapwa palagian kang nasa panig ng mga mahihirap sa pelikulang pilipino di baleng ikaw na ang masabon ng producer wag lang ang malilit nating kapatid sa hanapbuhay.

“The death of the action genre in the movies brought us all pain and hardship but the victory of probinsyano on tv made us all to hope and pray for the continued success of our genre.

“Napaghiwalay hiwalay man kayo ng tadhana mananatili kang poste ng probinsyano at hanggang sa huling araw nito sa ere ikaw ay parte nito sa ayaw man nila o gusto.

"Mawala man tayo sumunod man ako sa iyo maestro kailanman tayong mga old school at old timers will always be remembered hindi dahil sikat tayo o magaling kundi wala tayong niloko what you see is what you get totoong mga kasama sa puyat hirap at ginhawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang iwanan maestro magkikita rin tayo sa kabilang dako mas makakapag ensayo tayo don ng walang kapaguran in shaa Allah."

Ito naman ang mensahe ni Alvin Anson sa Instagram din:

“Sincere Condolences & prayers to the family of our Brother Boy Roque !! Gone To Soon! Aga mo naman kami iniwan Bro! Maraming salamat sa masaya at mabuting samahan at sa friendship! We Love you Brother & we’ll Miss you dearly!! PUGAY!”

Mensahe naman ni Direk Toto Natividad sa Facebook: “INATAKE SA PUSO ANG ISA NATING MABUTING KAIBIGAN, REST IN PEACE BOY ROQUE.”

WHO IS BOY ROQUE?

Sa mga mahihilig sa Pinoy action movies at teleserye, kilala si Boy sa pagganap ng mga kinamumuhiang karakter—lider ng goons, bodyguard ng mga tiwaling pulitiko, o kaya ay hired killer ng drug lords.

Ayon pa sa manunulat at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Mell Navarro: “BOY ROQUE, a veteran character actor and stunt man in Philippine movies (since 1980s) and teleseryes has joined our Creator today, April 10, 2019 due to heart attack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Among his teleseryes as a villain character (or companion of the main villain) were GMA 7's Victor Magtanggol, That's My Amboy, My Love From The Star, and more.

"More than being a goon or villain in the roles he portrayed (6 foot tall, with long wavy hair, and with beard), according to his close friends and relatives, he was a great man with a good heart.

"Panalangin at pakikiramay po sa pamilya ni BOY ROQUE :( Please pray for the repose of his soul.

"May he rest in peace.

"#RIPBoyRoque"

Ilan sa mga kinatampukang pelikula ni Boy ay ang mga sumusunod: Orapronobis (1989), Babangon Ako’t Dudurugin Kita (1989), Gumapang ka sa Lusak (1990), Ang Utol Kong Hoodlum (1991), Grease Gun Gang (1992), Markadong Hudas (1993), at Mistah (1994).

Tampok din siya sa Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko (1994), Dyesebel (1996), Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1996), at Batang.45 (1999).

Sa kabuuan, nakagawa si Boy sa mahigit 120 pelikula at teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN