Loisa Andalio, Maris Racal in an emotional reunion after misunderstanding

IMAGE @mariestellar, @iamandalioloisa on Instagram

All's well that ends well: Former best friends Maris Racal and Loisa Andalio had an emotional reunion at a recent thanksgiving party of ABS-CBN. The two former Pinoy Big Brother: All In housemates had a falling out last year.


Mahigpit ang yakapan nina Loisa Andalio at Maris Racal sa isang event kamakailan.

Ito ang patunay na nangingibabaw ang kanilang pagkakaibigan kahit nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noong nakaraang taon.

Sina Loisa at Maris ay naging housemates sa Pinoy Big Brother All In noong 2014. Dito nabuo ang kanilang pagkakaibigan.

Ngunit noong 2018, inamin ni Maris na nagkaroon sila ng misunderstanding ni Loisa dahil sa pagkukumpara sa kanila ng fans, kagaya ng kung sino ang mas angat sa kanilang dalawa.

Aniya, bagamat magkaibigan pa rin sila, nawala na ang kanilang closeness.

"Hindi naman iyong sobrang away. Siguro misunderstanding na lang.

"Lagi po kaming naku-compare. Parang, who's better, who's not?" bahagi ng pahayag ni Maris sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda noong July 2018.

Ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay naayos na ang anumang hindi nila pagkakaunawaan.

Sa isang thanksgiving/appreciation party na dinaluhan ng ilang ABS-CBN stars noong nakaraang linggo, nakunan ang emosyunal na pagyayakapan ng dalawang former PBB housemates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang video ay kuha ng isang manager ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN. 

Bagamat hindi kita ang kanilang mga mukha, naka-tag sa video sina Loisa at Maris. 

Sa mga nai-post pang larawan mula sa event, halos hindi na mapaghiwalay ang dalawang aktres.

Ilan pa sa mga artistang dumalo sa appreciation party ay sina Gerald Anderson, Joshua Garcia, Marco Gallo, Nikki Valdez, at ang magpakapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz.  

STRONGER LOISA

Samantala, sunud-sunod ang positibong posts ni Loisa sa social media, kasunod ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa diumano’y video scandal.

Wala pang direktang pagtanggi o pag-amin ang dalaga kung siya nga ang nasa video.

Sa halip, naging makahulugan ang social media posts ni Loisa, na karamihan ay nagpopokus sa pagiging positibo sa kabila ng mga pagsubok.

Kagaya na lamang ng ipinost niyang larawan sa Instagram nitong April 9, Martes.

Simpleng caption ni Loisa: “Stronger than before.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Todo-suporta naman kay Loisa ang ilang celebrities kagaya nina Angel Locsin, Joj Agpangan, at Karla Estrada.

Positive din ang quote na ipinost ni Loisa ngayong Miyerkules, April 10, sa kanyang Instagram Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Loisa Andalio stays strong amid alleged video scandal
Loisa Andalio stays strong amid alleged video scandal
Loisa Andalio breaks silence amid rumored video scandal
Loisa Andalio breaks silence amid rumored video scandal
Ronnie Alonte explains why he has no new photos with girlfriend Loisa Andalio
Ronnie Alonte explains why he has no new photos with girlfriend Loisa Andalio
Loisa Andalio posts message about judging others amid alleged video scandal
Loisa Andalio posts message about judging others amid alleged video scandal


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN