Gretchen Barretto reacts to photo of Marjorie Barretto, Recom Echiverri

IMAGE Courtesy: @juansarte / @niceprintphoto on Instagram

Gretchen Barretto maintains that her estranged sister Marjorie Barretto is in a longtime relationship with former Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri.


Hindi nakaligtas kay Gretchen Barretto ang larawan ng kanyang estranged sister na si Marjorie Barretto kasama ang rumored longtime partner nitong si dating Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri.

Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang na-upload na litrato sa Instagram account ng isang photo-video coverage company na kuha sa 7th birthday party ng bunsong anak ni Marjorie na si Erich.

In-upload ito bandang alas-4 ng hapon ngayong Miyerkules, April 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-blur ang mga mukha nina Marjorie at Recom sa larawan, kung saan ang naka-focus lamang ay si Julia Barretto at ang kapatid nitong si Erich.

Isang netizen ang nag-tag kay Gretchen ng nasabing Instagram post.

Kaagad namang nagkomento rito ang aktres.

Pilyang komento ni Gretchen: “oh how sWEET.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONGTIME RUMOR

Matagal nang usap-usapang may relasyon umano si Marjorie at ang dating alkalde ng Caloocan City.

Taong 2008, sinagot ni Marjorie ang isyu sa kanila ni Echiverri.

Pareho pa silang naglilingkod noon sa kanilang siyudad bilang councilor at mayor, respectively.

Pero itinanggi ni Marjorie na may relasyon sila ng pulitiko.

Sabi niya, “There's nothing to clear and I don't owe anybody an explanation.

"Wala rin dapat iklaro si Mayor Recom, wala siyang dapat ipaliwanag o klaruhin dahil nadamay nga lang yung tao.”

Nitong March 21, 2019, muling inungkat ni Gretchen ang relasyon nina Marjorie at Recom.

Sa Instagram Live, kasama ang isa pa nilang kapatid na si Claudine Barretto, ipinagtanggol ni Gretchen si Kier Legaspi, ang biological father ng panganay na anak ni Marjorie na si Dani Barretto.

Ito ay matapos sabihin ni Dani na tanging ang ina niyang si Marjorie ang nagpalaki sa kanya, at hindi niya naramdaman ang presensiya ni Kier sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gretchen, "Kier Legaspi was not a wealthy father.

"Siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani is yung hindi siya mayaman.

“Hindi siya mayor ng Caloocan, ng ganun, di ba, na wala siyang limpak-limpak na pera.

“Yun lang ang kasalanan ni Kier.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN