PEP EXCLUSIVE: Ciara Sotto's billboard for Las Vegas show now up

IMAGE 0


Singer-actress Ciara Sotto (third from left) sent PEP a photo of the billboard of the musical stageplay that she will be doing in Las Vegas, Nevada. Ciara is with fellow Filipino artists Karlyn Bayot (second from left) and Rizza Navales (second from right).


Kailan lang ay nagkaroon ng unveiling ang newest billboard ng bagong bukas na Melanja Sky hotel and restaurant sa Las Vegas, Nevada.

Ito ay para sa musical stage play na Fever, kung saan kasama ang tatlong Pinay artists na sina Ciara Sotto, Rizza Navales, at Karlyn Bayot (kapatid ni Lani Misalucha).

Tinupad ni Ciara ang pangako niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na once na natapos na ang billboard nila at visible na rin na ina-advertise, ipapadala niya ang picture.

Anim silang babae na makikita sa billboard kung saan nasa gitna si Ciara, third from left.

Makikita rin na kasama niya rito sina Rizza at Karlyn at tatlong blondies na bagama't hindi Pinoy, ayon sa kuwento ni Ciara, ay pawang mababait at kaibigan na nilang lahat.

Ayon kay Ciara, wala pa silang billboard na nakatayo sa Las Vegas Strip dahil ang naturang billboard ay nasa 1-15 North right past Barstow, California.

"People who drive going to Vegas will see it," sabi pa ng young singer-actress.

Most likely raw, end of September na sisimulan ang show nila. Araw-araw pa rin ang kanilang rehearsal dahil mga perfectionist ang nagtuturo sa kanila.

Ang rehearsal daw nila ay from 9 a.m. to 6 p.m. Fever is all about women and they will do all the singing, dancing, and acting.

Now that the billboard is up, mawawala na rin siguro ang pagdududa ng ilan kung ano ba talaga ang ginagawa ni Ciara sa Las Vegas.

Posible ring napatunayan—base sa billboard kung saan nakasuot siya ng sexy outfit at litaw pa ang kanyang tiyan—na walang katotohanan ang balitang buntis siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN