Sanya Lopez to tag along with Jak Roberto, Barbie Forteza in Japan

IMAGE Sanya Lopez Instagram


Noon pa man ay sinasabi ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang kanyang relationship status—no boyfriend since birth.

“Wala pa rin!” natatawang sabi ni Sanya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng Nang Dahil Sa Pag-ibig, ang bago niyang afternoon drama series sa GMA-7, noong Lunes, April 8.

May ilang hindi naniniwala na sa ganda at kaseksihan niya ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

“Wala po talaga,” giit ng Kapuso actress.

“May nanligaw po, pero siguro dahil hindi ako makatutok, gumi-give up, hindi nila kayang maghintay.”

Inuuna muna niyang magpayaman?

“Opo, kailangan po, e!” natawang sagot niya.

“E, di kung kaya niyo akong hintayin, hintayin niyo ako. Kung hindi, e, di huwag.”

Bukod sa sasakyan, nakabili na si Sanya ng lupa sa Tagaytay na plano raw niyang patayuan ng rest house.

Pero sa kasalukuyan ay nagri-rent pa rin sila ng bahay ng kanyang kapatid na si Jak Roberto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento rin ni Sanya, “Sa ngayon po, nag-uusap kami na bumili ng bahay rito, pero magkahiwalay na.

“Para at least, mas naggu-grow pa kami sa sarili namin.”

THIRD WHEELING

Dahil walang love life, pangangatawanan na raw ni Sanya na maki-third wheeling sa kapatid na si Jak at sa girlfriend nitong si Barbie Forteza.

Sasama raw siya sa mga ito sa Japan ngayong Holy Week.

“Yes, makiki-third wheel ako sa kanila. Sabi ko nga, maghahanap ako dun!” natatawang biro niya.

“Pero kasi, ang maganda rin po sa kanila, hindi ako nao-OP [out of place]. Okay si Barbie na makisama.”

Sabi pa ni Sanya, “Okay si Barbie sa akin.

“Wala siyang ginagawang masama at magaan ang loob ko sa kanya.

“So, I think, it’s perfect.”

Ilang araw lang daw sila sa Osaka, Japan dahil pare-pareho silang may taping.

Hindi ba siya naiinggit sa dalawa na in love na in love sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Sanya, “Okay lang, kasi hindi ko pa hinahanap talaga.

“At saka, kapag nagka-boyfriend ako, gusto ko yung hindi ko na kailangang maglaro.

“Gusto ko rin naman na hindi porke’t seryoso na, seryoso na agad, kasal na. Yung barkada pa rin kami.

“Basta, no need na maghanap pa ng iba.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN