Maricel Soriano recalls her "mild past" with Aga Muhlach


"Mild na kahapon lang ‘yon! Kaya nga kami naging magkaibigan dahil doon. Cute ang story," says Maricel Soriano about her "past" with Aga Muhlach, who is now her leading man in A Love Story.



Parehong more than 20 years na in the business sina Maricel Soriano at Aga Muhlach and yet, sa A Love Story ng Star Cinema pa lang sila magkakasama sa pelikula.

"Nagkakasama naman kami sa mga tapings. Siya naggi-guest sa show ko at ako naman sa show niya, but never sa movie," sabi ni Maricel during her solo presscon for the Maryo J delos Reyes-directed movie, lunch time today sa ABS-CBN.

Natawa si Marya na may naka-ala-ala na muntik silang maging item ni Aga Muhlach once upon a time.

"Mild na kahapon lang ‘yon!" patawang explanation ni Maricel. "Kaya nga kami naging magkaibigan dahil doon. Cute ang story.

"Iisa ang pinagri-rehearsal namin noon ni Aga ng sayaw. Ako with the Solid Gold Dancers pa noon at si Aga naman, Michael Jackson phase pa siya.

"Minsan, nagbigay ng bulaklak sa akin. Nagulat pa ako at tumingin sa likod kung para sa akin ba ‘yon. Tapos chocolate. Isip ko, ano naman ang nakain nito para magpadala ng bulaklak?

"Tapos lumapit siya sa akin, nagyaya ng dinner. Sabi niya, may masarap na steakhouse daw sa tabi pa nung dating Magnatech. Pumayag ako.

"Nagpapa-impress pa si Muhlach noon, naka top-down [na kotse]. E, umulan. Kaya ayun, nagsilabasan ang mga muscles niya para mailagay ang bubong ng kotse niya. Hindi pa automatic ang mga top-down noon. From there, dumiretso na kami sa birthday ni Maryo [J. de los Reyes].

"Mula noon, hindi na naulit ang date. Pero naging buddy-buddy kami," kuwento ni Maricel.

Tinanong si Maricel kung kailan ito nangyari at kung ilang taon sila noon.

"Naku, hindi ko na matandaan. Kailangan pa bang malaman ang edad?" the usual na lovable na pagtataray ng Diamond Star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN