Valerie Concepcion reveals details of her December 2019 wedding

IMAGE Jerry Olea / Instagram

Valerie Concepcion reveals why she fell in love with fiance Francis Sunga: "Parang na-feel ko na love na love niya ako."


Nakatakdang magpakasal si Valerie Concepcion at ang Guam-based fiancé niyang si Francis Sunga sa huling linggo ng Disyembre 2019 sa isang hardin dito sa Pilipinas.

“Hindi pa complete pero marami na rin kaming nakausap na magnininong, ninang,” masayang kuwento ni Valerie matapos ang pagtatanghal ng senakulong Kristo MMXIX nitong Abril 10, Miyerkules ng gabi, sa Tanghalan ng Masa, San Juan City.

“Si Ate Regine Velasquez, si Ate Lani Cayetano, si Direk Bobot [Mortiz], si Kuya Willie Revillame siyempre!

“Bigla akong napa-guest co-host sa Wowowin for one week, kasi pinuntahan ko siya to ask him kung puwede siyang magninong sa kasal.

“So, biglang sinabihan niya ako na bakit hindi ako mag-guest, ganyan-ganyan.”

Sa Europe magha-honeymoon sina Valerie at Francis for three weeks.

“Pareho kaming hindi pa nakakapunta sa Europe, so ipun-ipun-ipon muna kami!” bulalas ng 31-year-old actress.

“Marami kaming gustong puntahan. Siyempre, Paris, London. May Italy rin kami, pero hindi pa namin alam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Silang dalawa lang ang magha-honeymoon. Hindi kasama ang 14-year-old daughter ni Valerie na si Heather, at ang 10-year-old daughter ng kanyang fiance.

“Siyempre, time muna ni Daddy at ni Mommy, charot! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” maigting na halakhak ni Valerie.

AFTER THE WEDDING

Paano na matapos ang kanilang kasal? Saan sila maninirahan, sa Guam o sa Pilipinas?

“Wala pa kaming final plans,” nakangiting pag-amin ni Valerie.

“Basta, he’s open to moving here. I’m open to moving there.

"So, yun. Pero wala pa kaming final plans kung sino talaga yung magmu-move.

“OK lang sa kanya na ipagpatuloy ko ang pag-aartista, pero gusto kasi niya, magkasama na kami, e.

“So, kung magpapatuloy raw ako ng pag-aartista, siya ang lilipat dito. Magbi-business siya or something, parang ganoon.

“Kaso nga, sayang din yung work niya doon, di ba?

"Sa government siya, sa Supreme Court. He’s a deputy marshall.

“So, sayang din naman yung career niya doon, kaya puwedeng ako ang mag-move doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahirap sa bagong kasal na nagtatrabaho sa magkaibang bansa.

"I know," pagsang-ayon ni Valerie.

"Sabi nga niya, kaya siya magpapakasal, kasi raw, gusto niya, magkasama na kami.

“'Tapos, ang arrangement namin, parang mag-boyfriend-girlfriend pa rin? Na six months ako dito, 'tapos kunwari, six months ako doon?

“Parang ang hirap! Kaya... well... ang masasabi lang niya, ipagdasal daw namin!”

IS VALERIE READY?

July 2018 naging engaged sina Valerie at Francis.

August 17, 2018 niya iyon ini-reveal sa social media.

So, handa na talaga siyang pakasal?

“Oo, na kung magmu-move man ako doon, eto na yun. Charot! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Actually, hindi pa ako ready! Ha! Ha! Ha! Ha!" mataginting pa ring tawa ni Valerie.

“Hindi pa ako ready na mag-move!

“Pero... kumbaga... kaya pakalat-kalat ako, makikita ninyo ako sa Dos, sa Siyete. Sinusulit ko na.

“Charot! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Pero hindi... kasi parang iniisip ko din na... ahmm, ganoon, e.

"Pag pag-ibig talaga, di ba, wala kang magagawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang mas malakas ang tsansa na ako ang mag-move doon, pero...” pagkibit-balikat ni Valerie.

WHY VALERIE FELL IN LOVE WITH FRANCIS

Bakit siya nainlab kay Francis?

“Actually, siya ang unang nainlab sa akin!” maigting na tugon ni Valerie, na nagniningning ang mga mata.

“Wow! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi, hindi.... kasi, parang na-feel ko na love na love niya ako.

“Siyempre, kapag ganoon, di ba? Maa-appreciate mo, ganyan. Hindi lang yun. Hindi lang ako, pati ako.

“Siya ang kauna-unahang naging boyfriend ko na ang tawag sa anak ko, ‘Anak.’

“'Tapos, ahmm, siya din yung parang... sinasabi niya, ‘I know you don’t need it,’ pero gusto niyang tumulong sa akin.

“Na mabawasan yung burdens ko, ganyan. So, nag-offer siya.

"Siya yung magbabayad ng tuition fee ng anak ko. Yung mga ganyan.

“Siya lang yung nag-iisang lalaking ganoon. Na parang sabi ko, ‘Wow! Bakit ganyan niya ako kamahal?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Valerie Concepcion with 14-year-old daughter Heather

Kumusta sila ng daughter ni Francis?

“OK! Super, super OK kami. Sobrang close kami. Parang magkalaro lang kami pag andoon ako sa Guam.

“Kaya gustung-gusto niya, ‘When are you coming here?’ Ganyan-ganyan. ‘I miss you,’ ganyan.”

Wala ring isyu sa pagitan ng stepsisters-to-be.

“OK naman. OK, kasi, ate na itong si Heather. 14 na, e, medyo magkaiba na sila ng interests.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN