Meryll Soriano stays with mom after marital breakup


Bec-Bec Soriano, mother of actress Meryll Soriano (in photo), confirms report that her pregnant daughter has been staying with her after breaking-up with husband Bernard Palanca.


Natuloy na rin ang naudlot na pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ina ni Meryll Soriano na si Bec-Bec Soriano sa solo presscon ng kapatid niyang si Maricel Soriano para sa pelikula ng Star Cinema, A Love Story, kahapon, August 1.

Sa unang presscon kasi ng Diamond Star at Aga Muhlach, itinuro ni Maricel sa amin si Bec-Bec para sagutin ang tanong namin tungkol sa pagdadalang-tao ng kanyang pamangkin. Pero mag-uumpisa pa lang sumagot si Bec-Bec ay tumayo na siya dahil kinailangan niyang samahang mag-banyo si Maricel.

Kahapon ay kinumusta namin kay Bec-Bec ang kalagayan ni Meryll na malapit nang manganak. Si Meryll ang anak ni Bec-Bec sa Wowowee host na si Willie Revillame.



"Okay naman siya. Nakakapag-rest naman siya nang maayos," nakangiting sagot ng ina.

Kinumpirma ni Bec-Bec na ilang buwan na ring nakatira sa kanya si Meryll. Patunay lang na naayos na ulit ang relasyon ng mag-ina na nagkatampuhan nang magdesisyon si Meryll na na magpakasal sa ama ng kanyang ipinagbubuntis na si Bernard Palanca.

Tulad na ng alam na nating lahat, naghiwalay sina Meryll at Bernard pagkatapos lamang ng ilang buwang pagsasama.

May pangalan na ba ang unang apo ni Bec-Bec?

"Wala pa. Pero ano, it's a boy," excited na sagot ni Bec-Bec.

Sa Makati Medical Center manganganak si Meryll, first week of September.

"Ay, normal siya. Kaya naman niya, e," sabi ni Bec-Bec.

Pagkatapos ay nagpaalam na ang tila mailap pa ring ina ni Meryll, kaya hindi na namin naitanong sa kanya ang kanyang son-in-law na si Bernard. Pero obviously ay hindi pa rin okay sina Meryll at Bernard, na ang balita namin ay nasa Amerika ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN