Derek Ramsey talks about loving Angelica Panganiban


Derek Ramsey now speaks openly about his relationship with Angelica Panganiban.



Naging bukas na si Derek Ramsey na magkuwento tungkol sa pagmamahalan nila ni Angelica Panganiban. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa taping ng Boy & Kris last July 31 ay diretsahan na siyang sumagot sa aming mga tanong, hindi gaya noon na paliguy-ligoy pa siya.



"Oo, nine months na kami," pag-amin ni Derek, "we've known each other for that long. Di ba, sa mga interviews ko, di ako nagbibitaw ng salita until I'll know her well? But it's been going well so far. So, 'yong nine months, that's how long we've known each other. Wala kaming specific date, pero mayroon kaming ganun na understanding."



Nagsimula ang kanilang relationship mula day one ng kanilang pagkakilala.

Paliwanag ni Derek, "For me kasi, ang relationship, puwede friend. I mean, it has grown into something else, pero I started the relationship with her as a friend. We started off as something else, it's the whole nine months."



Inamin din ni Derek na nagkakaroon din sila ng konting samaan ng loob na nagmula sa asaran.

"May mga tampuhan nga, pero di naman kami nag-aaway ni Angel, e. Tampo-tampuhan lang. ‘Yung pikunan lang, kasi pinipikon niya ako sa ibang babae at pinipikon ko naman siya sa ibang lalaki. Hanggang mapipikon na talaga siya, hindi ako kakausapin noon," kuwento niya.



Sinabi pa ni Derek na hindi natatapos ang isang araw na hindi sila nag-uusap. Ayaw rin niyang lumalampas ang araw na hindi sila nagkakasundo kapag nagkakatampuhan sila.

"I don't like fighting," aniya. "Kung ako ang may kaaway, gusto kong tapusin kaagad para walang problema."

Nilinaw naman ni Derek ang lumabas sa isang pahayagan na binabayaran diumano si Angelica ng malaking halaga para hiwalayan lamang siya. Ano ang katotohanan dito?

"Ano 'yon, Deal or No Deal 'yon. Ako ang inalok ng pera ni Banker na ... Kasi ako 'yong supporter, di ba? In-offer kami, lalakihan daw 'yung offer kung makikipag-break daw siya [Angelica] sa akin at makikipagrelasyon siya kay Banker. Tumanggi siya at ako naman, tumanggi sa pera," natatawa si Derek. In the spirit of fun lang naman ang alok kay Angelica sa game show ni Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Money is not the most important thing in life," sabi niya. "You know, money can't buy happiness. So, I'm educated, I know I can make money. Whether in showbiz or not, may back-up ako ng school, so pera, laging nandiyan, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN