Zsa Zsa Padilla fake marriage to Japanese guy declared null and void

IMAGE Mark Atienza

Kapamilya singer-actress Zsa Zsa Padilla's fake marriage to a certain Shigemi Nabehigashi has been declared "null and void." This is based on a court document obtained by PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) this Friday afternoon, April 12, 2019.


Ipinawalang-bisa ng Makati Regional Trial Court ang pekeng kasal ni Zsa Zsa Padilla sa isang Japanese guy na nagngangalang Shigemi Nabehigashi. 

Base ito sa desisyong pirmado ni Judge Cristina F. Javalera-Sulit ng Makati Regional Trial Court, na may petsang April 6, 2018. 

Ngayong Biyernes ng hapon, April 12, 2019, nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng dokumentong ito. 

Nakasaad dito ang salaysay ni Zsa Zsa kung paano nangyaring ikinasal siya nang hindi niya nalalaman sa isang lalaking hindi niya kilala at hindi man lang nasilayan sa kanyang tanang buhay. 

Taong 2016 nang una raw malaman ni Zsa Zsa ang tungkol sa anomalyang ito. 

Noong panahong iyon ay engaged na si Zsa Zsa sa arkitekto na si Conrad Onglao. 

Nasa proseso raw si Zsa Zsa ng pagkuha ng CENOMAR o certificate of no marriage para sa napipintong kasal nila ni Conrad, nang madiskubre niyang mayroon siyang marriage contract sa isang nagngangalang Shigemi Nabehigashi. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayong ang tanging lalaking pinakasalan daw ni Zsa Zsa ay si Modesto Tatlonghari, ama ng singer-actress na si Karylle, noong August 1, 1980.

Ikinagimbal daw ni Zsa Zsa ang kaalamang kasal siya sa isang Japanese guy na hindi niya kilala. 

Ayon pa rin sa salaysay ni Zsa Zsa, nakasaad sa pekeng marriage contract na ikinasal sila ni Nabehigashi noong June 29, 1992 sa Manila City Hall.

Ikinasal daw sila ng solemnizing officer na kinilalang si Rev. Mario J. Dauz.

Pero giit ni Zsa Zsa, malinaw na peke ang marriage contract dahil sa ilang iregularidad na natagpuan niya rito. 

Taong 2017 nang pormal na inireklamo ni Zsa Zsa na maging null and void ang kanyang pekeng kasal sa hindi niya kilalang Japanese guy.

Sabi pa sa resolution ng Makati RTC patungkol sa reklamo ni Zsa Zsa:

"She further testified that she does not know the respondent.

"She never met the respondent during her entire existence.

"Petitioner claims that the execution of the alleged marriage contract and the application for marriage license were bogus as she did not sign both documents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She belied that she applied for a license to get married to a certain SHIGEMI NABEHIGASHI."

"She never appeared before Rev. Mario J. Dauz, the person who allegedly solemnized the fictitious marriage on June 29, 1992." 

THE EVIDENCE

Imposible raw maikasal si Zsa Zsa kay Nabehigashi sa petsang iyon dahil nasa ibang bansa ang singer-actress noon. 

Patunay raw nito ay ang passport ni Zsa Zsa kung saan makikitang lumipad siya patungong Hong Kong noong March 2, 1992. 

Mula Hong Kong, nagtungo naman ang singer-actress sa U.S. noong March 4, 1992. 

Nakabalik lang daw ng Pilipinas si Zsa Zsa noong August 12, 1992. 

Ayon pa kay Zsa Zsa, kasama niya ang longtime partner at Comedy King na si Dolphy nang nagtungo siya sa Hong Kong at U.S. 

Bukod dito ay nagpresinta si Zsa Zsa ng iba pang ebidensiyang magpapatunay na peke ang marriage contract nila ni Nabehigashi

Bahagi ng desisyon ng korte hinggil dito:

"It would appear that the marriage ceremony between the petitioner and respondent officiated by Rev. Mario J. Dauz on June 29, 1992 at the City Hall of Manila did not happen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The personal appearance of the petitioner and the respondent before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife did NOT take place for the simple reason that it is physically impossible for the petitioner to be in the City Hall of Manila on June 29, 1992 as she was in the United States of America.

"This was shown by the entries in her passport stating that she was in America since March 4, 1992 and returned to the Philippines only on August 12, 1992.

"Ms. Maria Teresa Martinez of the Bureau of Immigration authenticated petitioner's original passport and all the entries found on each page of the passport." 

Ang malala pa roon, napatunayan ding wala sa Pilipinas ang sinasabing Shigemi sa sinasabing araw ng kasal nila ni Zsa Zsa. 

"It was also established that the respondent was also NOT here in the Philippines when the alleged wedding took place.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Evidence presented showed that the respondent arrived in the Philippines on August 24, 1996 and departed on September 14, 1996." 

WHO ORCHESTRATED THE SHAM MARRIAGE? 

Sabi sa isang bahagi ng resolution ng korte, nakasaad ang pagsisiwalat ni Zsa Zsa na ang kanyang pekeng marriage kay Nabehigashi  ay pakana diumano ng ex-husband ng singer-actress na si Modesto.

"Petitioner speculated that her former husband Modesto orchestrated this sham marriage to prevent her from marrying Rodolfo whom she was planning to wed at the time." 

Ang tinutukoy na Rodolfo ay si Rodolfo Vera Quizon Sr., o mas kilala bilang si Dolpy. 

Nagpatunay raw si Zsa Zsa sa korte na hiwalay na sila ni Modesto nang magkaroon ang singer-actress ng relasyon kay Dolphy. 

Naging magka-live in sila ni Dolphy mula 1989 hanggang sa pumanaw ang Comedy King noong 2012. 

Samantala, na-annul ang church wedding ni Zsa Zsa kay Modesto noong August 6, 2003 at naging final ito noong December 3, 2004. 

Na-annul din ang civil wedding ni Zsa Zsa kay Modesto noong July 13, 2009 at naging final noong December 17, 2010. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAKE MARRIAGE WITH JAPANESE GUY

Sa huli, idineklara ng Makati RTC na "null and void" ang kasal ni Zsa Zsa Padilla kay Shigemi Nabehigashi

Sabi pa sa desisyon ni Judge Javalera-Sulit (itals provided):

"Declaring the marriage between petitioner Esperanza Perez Padilla and respondent Shigemi Nabehigashi on June 29, 1992 in Manila City as void ab initio and for being a sham marriage, with all legal effects as provided for under applicable law."

"Ordering the Local Registrars of Manila and Makati City and the National Statistics Office upon finality of this Decision, to cancel from their respective Book of Marriages the marriage contract between the herein parties and, in lieu thereof, to record the instant Decision in accordance with law."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN