Zsa Zsa Padilla says she has forgiven orchestrator of fake marriage to a Japanese guy

IMAGE @zsazsapadilla on Instagram

In a series of tweets, Zsa Zsa Padilla says that she has already forgiven whoever orchestrated her fake marriage to a Japanese guy. The fake marriage has been declared null and void, based on a decision from the Makati Regional Trial Court dated last April 6, 2018.


Ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla ang naging karanasan sa pagpapawalang-bisa ng kanyang pekeng kasal sa isang Japanese guy na nagngangalang Shigemi Nabehigashi. 

Ito ay matapos ideklara ng Makati Regional Trial Court na null and void ang kanyang pekeng kasal, base sa isang desisyong pirmado ni Judge Cristina F. Javalera-Sulit ng Makati Regional Trial Court, na may petsang April 6, 2018. 

Kahapon, April 12, nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng dokumentong ito.

Sa isang series of tweets naman kagabi, nagkuwento si Zsa Zsa tungkol sa pagpapa-annul niya sa pekeng kasal, na nakasaad din sa court document na nagpapawalang-bisa ng sham marriage.

Taong 2016 nang malaman ni Zsa Zsa ang pekeng kasal, habang nasa proseso ng pagkuha ng requirements para sa kasal nila ng kanyang fiancé na si Conrad Onglao.

Kabilang dito ang CENOMAR, o Certificate of No Marriage.

Dito nadiskubre ni Zsa Zsa na kasal pala siya sa isang nagngangalang Shigemi Nabehigashi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya: "Can you believe I had to annul this 'marriage' I didn't even know about?

"Sadly, all this fake marriage needed were details of my birth certificate!

"My second annulment case went on for a year and I am finally annulled... again!

"I just saw @TVPatrol The report didn't mention that i was married to this Japanese man who is a stranger to me.

"We were supposedly married in 1992 while I was in LA for Dolphy's kidney treatment and the Japanese man was in Japan.

"According to DFA, he is a real person who visited Manila only once in 1993!

"The marriage certificate stated that we were married in 1992. Nangyayari pala ang Kasalanan sa bayan natin Kahit Walang bride and groom!

"Sadly, when I discovered this and had no other choice but to pray and accept that annulment was the only way..."

ZSA ZSA'S FORGIVENESS

Patuloy pa ni Zsa Zsa, napatawad na niya ang sinumang maaaring gumawa nito sa kanya bago pa man nasimulan ang pagdinig sa annulment case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Divine Diva sa kanyang tweets: "Tinuloy ko na ang annulment case.

"I just want you all to know that before deciding to go on with the case, I've already forgiven whoever did this to me.

"It has given me so much heartache and tears and I felt I had to start proceedings with no bitterness or anger in my heart.

"I spent a lot of time in court and needless to say, malaking pera ang ginugugol.

"I feel for other people na may na experience din na ganito sa buhay pero Walang magawa dahil sa kakulangan na din ng resources.

"Enclosed is a similar case which a close friend of mine sent me."

Kalakip ng tweet na ito ang screenshot ng news item tungkol sa isang babaeng hindi makapagpakasal dahil may ibang taong gumamit ng kanyang pangalan at mga detalye para magpakasal noon.

Sa sumunod niyang tweet, ni-retweet ni Zsa Zsa ang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa court decision ng pagpapawalang-bisa ng kanyang pekeng kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malinaw na nakasaad sa desisyon ng Makati RTC ang hinala ni Zsa Zsa na ang kanyang ex-husband na si Modesto Tatlonghari ang diumano'y may pakana ng pekeng kasal ng singer-actress kay Nabehigashi, na siyang nakalathala sa PEP.ph report.

"Petitioner speculated that her former husband Modesto orchestrated this sham marriage to prevent her from marrying Rodolfo whom she was planning to wed at the time."

Ang tinutukoy na Rodolfo ay si Rodolfo Vera Quizon Sr., o mas kilala bilang si Dolphy.

Pero base sa tweet niya kahapon, lumalabas na tila may iba pang personalidad na pinaghihinalaan si Zsa Zsa.

Ayon pa sa kanya, "unfair" din sa kanyang ex-husband na ito lang ang nag-iisang maiturong may pakana ng sham marriage.

Paglilinaw rin ng ASAP singer, matagal na silang nagkaayos ni Modesto bago pa man mag-umpisa ang kaso.

Hindi binanggit ni Zsa Zsa kung sino pa ang iba niyang pinaghihinalaang gumawa nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mahalaga raw ay napatawad na niya kung sinuman ang may gawa nito.

Ani Zsa Zsa, "I just want to clear that this could have happened to me for a number of reasons n unfair to my ex husband- M Tatlonghari that he be pinpointed as the only possible person who could have done this.

"Again, before i started the case which took a little over a year, forgiven na sya.

"After years of being estranged from my ex husband, I made a vow to my daughter @anakarylle that I will bury all hurts of the past.

"Since the day she got married in March 2014, my ex husband and I have been friends again."

Ikinasal si Zsa Zsa kay Modesto Tatlonghari noong August 1, 1980.

Nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang anak—ang singer-actress na si Karylle.

Na-annul ang church wedding ni Zsa Zsa kay Modesto noong August 6, 2003 at naging final ito noong December 3, 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-annul din ang civil wedding ni Zsa Zsa kay Modesto noong July 13, 2009 at naging final noong December 17, 2010.


Stories We Are Tracking

Zsa Zsa Padilla fake marriage to Japanese guy declared null and void
Zsa Zsa Padilla fake marriage to Japanese guy declared null and void


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN