Gabby Concepcion's brother explains why he decided to sue actor over fraudulent sale

IMAGE @gmanetwork on Instagram / Screengrab from DZMM

Gabby Concepcion's brother Miguel explains why he decided to pursue a case against the GMA-7 actor.


Ipinaliwanag ng kapatid ni Gabby Concepcion na si Miguel ang dahilan kung bakit siya nagdesisyong kasuhan ang kapatid.

March 2019 nang unang maiulat ang pagsasampa ni Miguel ng reklamong falsification of public documents laban sa aktor.

Ayon kay Miguel, nagkaroon daw ng anomalya sa pagbenta ni Gabby ng pagmamay-aring lupa ng kanilang inang si Mrs. Maria Lourdes Concepcion Arellano sa San Juan City na may sukat na 890 square meters.

Sa panayam ng DZMM kay Miguel kagabi, April 12, sinabi niya ang mga dahilan kung bakit humantong sa pagsasampa ng reklamo ang isyu nilang magkapatid.

Pangalawa si Gabby sa anim na magkakapatid, samantalang si Miguel naman ang panglima.

Ani Miguel, "I was hoping it wouldn't come to this, sana hindi tayo umabot dito. Sinubukan naming mag-reach out sa kanya.

Unfortunately, we've been trying to do that since November, wala kaming makuhang reply, wala kaming makuhang response.

Ipinaliwanag din ni Miguel kung ano ang mga nangyari sa nasabing property.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're talking about properties that belong to my family in San Juan. It's a small portion of what they own and nabalitaan namin ng mother ko, noong umuwi kami from the States, na may irregularities that occurred with the transferring of the titles and all that.

"I just wanted to clarify that with my brother, but I cannot get that information from him.

"This property in question is the property that has the big building that a school is renting right now.

"Unfortunately, we are talking about the rental income and the property documentation itself.

"Medyo malaki ho yung gulong nangyayari, but like I said earlier, sana naiwasan natin kung nabigyan lang ng pagkakataong makausap ko sana yung kapatid ko."

Ipinaliwanag naman ng legal counsel ni Miguel na si Atty. Tyrone Cimafranca ang mga irregularities na nakita nila sa deed of absolute sale ng nasabing property. 

Saad niya, "This property originally was around 1200 square meters and registered in the name of the mother only.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"While the mother was away, she was in the States at that time, March 6, 2013, we discovered a deed of absolute sale that was allegedly executed by her, transferring 890 square meters of that property to Gabby and two other brothers."

Ayon kay Atty. Cimafranca, malabo raw na ma-execute ni Mrs. Concepcion Arellano ang deed of absolute sale dahil nga nasa United States ito noong mga panahong ito.

Dagdag pa ng lawyer, "In fact, the document, as we discovered it from the registry of deeds, did not contain signatures of witnesses.

"It's just the mother, even the supposed buyers' signatures are not present."

STAINED RELATIONSHIP

Sa panayam din ng DZMM, natanong si Miguel kung ano ang nangyari sa relasyon niya sa kanyang kuya para humantong sa pagsasampa ng kaso.

Sagot naman ni Miguel, "We were very close once upon a time, but we drifted away, and it had to lead to something like this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman yan, napapag-usapan, kung both parties are willing to communicate.

"But, unfortunately, masyado nang maraming nangyari that made this happen and our relationship was really affected. Nag-umpisa ito noong umuwi ako galing sa Amerika kasama ko yung mom ko."

Alam din daw ng kanilang ina ang mga pangyayaring ito.

"Yes, she does, but of course, she was very hesitant and very sad to hear about it.

"I'm doing this for her, basically, and for my siblings because she's still alive, she's 79 years old and I just want to clarify na she has to enjoy what she has, what she inherited from her parents.

"Unfortunately, now, it's out of her hands and I'm just helping out to reconsolidate her property back to how it was so she can do what she wants."

Nalungkot din daw ang iba pa nilang mga kapatid dahil sa pangyayari.

"They're all sad that it had to come to public situation like this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, like I said, kung nakipag-usap lang siya sa akin sa umpisa, we wouldn't even be here.

"That's how it is and I'm just trying to put everything back together, I'm just doing this for my mom and for my other siblings."

Hindi naman daw sarado si Miguel sa pakikipag-ayos kay Gabby, subalit kailangan munang maayos ang mga gusot pagdating sa property ng kanilang ina.

"Gusto ko sana, maibalik lang lahat sa dati yung situwasyon.

"We can be friends again but he has to return and come up clean with everything that was misplaced."

Sa ngayon, hindi pa raw sila nagkakausap ni Gabby, kaya hindi pa rin niya alam kung ano ang mangyayari kung sakaling makipag-ayos ito sa kanya.

Patuloy ni Miguel, "Wala, e. Wala, and like I said, hindi ko talaga gustong mangyari ito.

"We're a very private family, pero I had no other choice. If he only reached out, all of this would've been resolved, pero nandito na tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have very little to say about how we can proceed, ano. But gusto ko lang talaga, maibalik lang, maayos lang.

"Baka kasi nakakalimutan niya na we're a big family, we're a family of six, and hindi lang siya yung anak ng mga magulang ko.

"Baka nakalimutan lang niya na he has to share what is ours. It's just as simple as that."

Sa huli, tinanong si Miguel kung ano ang mensahe niya para sa nakatatandang kapatid.

"Bro, you have a list of the things that will make this right. Sundan mo lang 'yon and everything will be back to normal.

"We can have breakfast tomorrow morning sa bahay, we can hug each other, we can do what we used to do. That's all.

"But, of course, I'm speaking for my mom, sa mga iba kong kapatid. Maisauli lang, mailagay lang sa ayos lahat and all will be fine."

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gabby Concepion sued by brother Miguel over fraudulent lot sale
Gabby Concepion sued by brother Miguel over fraudulent lot sale


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN