Michelle Madrigal marries American boyfriend in Texas

IMAGE @niceprintphoto on Instagram

Michelle Madrigal is now married to her American boyfriend, Troy Woolfolk. The couple tied the knot in Austin, Texas last April 12 (U.S. time).


Ikinasal na ang aktres na si Michelle Madrigal sa kanyang American boyfriend na si Troy Woolfolk.

Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib noong April 12 (US Time) sa Austin, Texas.

Base sa mga larawang lumabas sa social media, dumating ang ilan sa mga kaibigan ni Michelle at ang kapatid nitong si Ehra Madrigal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang araw bago ang kasal ay nag-post pa si Ehra ng litrato kasama ang kanyang kapatid.

Saad niya sa caption, "aah, my little sister is getting married in a few days!!! (this was taken during my wedding (xx lbs lighter!) nyahaha! now, we’ll get to switch roles!) FAMILY is everything!

"my mom and mitch are already based in the US (NJ and ATX) so grabehan lang yung saya ko kasi i’ll get to hang and bond with them again! excited to play with my adorable niece too! waaaaa!!! *happy tears*"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling napanood si Michelle sa teleseryeng Pasion de Amor, na siyang naging comeback project niya sa ABS-CBN pagkatapos niyang maging bahagi ng GMA-7 sa mahabang panahon.

Tumakbo ang teleserye mula June 2015 to March 2016.

Bago pa matapos ang Pasion de Amor noong January 2016, lumipad na patungong Texas, USA, si Michelle para sa kanyang "culinary journey."

Dito niya nakilala si Troy, na tinatawag niyang "MyWillSmith."

May 2017 nang inanunsiyo ni Michelle na siya ay 13 weeks pregnant sa panganay nila ni Troy.

Noong July 2017, ilang buwan bago manganak si Michelle, ay na-engage siya kay Troy.

Noong October 2017, nagsilang si Michelle ng isang baby girl, at pinagalanan nila itong Annika Austin.


Stories We Are Tracking



ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close