Shaira Diaz still mum on real score with Edgar Allan Guzman

IMAGE Noel Orsal

Shaira Diaz (right) on real score with rumored boyfriend Edgar Allan Guzman (left): “Siguro, mas pinapatatag lang namin yung foundation namin ngayon.”


Consistent si Shaira Diaz sa pagsasabing wala silang relasyon ng Dragon Lady actor na si Edar Allan Guzman.

Sa pangungumusta kasi naman sa puso ni Shaira, sagot nito, “Happy naman.”

Finally?

Yes, finally!”

Ito ba'y dahil umamin na sila ni Edgar Allan sa kanilang relasyon?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi!

Grabe naman yun!

Wala kaming sinasabi, ha!

Wala, sabi niya crush lang,” ang tumatawang pagtukoy ni Shaira sa isang Instagram post ni Edgar

Allan tungkol sa kanya.

Crush-crush lang, pakilig-kilig lang.”

Ito ay sa kabila ng paniniwala ng marami na may relasyon sila ng binata.

WHAT'S THE REAL SCORE?

Kaya marami ang nagtatanong kung bakit ayaw nilang umamin.

Sa paniniwala pa ng iba ay never naman sila talagang nag-break.

Saad niya, “Kami?

Hindi ah. Nag-break din naman.

Pero ngayon kasi talaga, sobrang kahit wala, may pakilig pa din, ganun.”

So ano ang sagot niya sa iniisip ng marami na may relasyon sila pero ayaw lang nilang umamin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ko alam sa inyo. Bahala kayo diyan!” ang natatawang pag-iwas ng Kapuso actress.

Parang walang label? Biglang ganun. Hahaha!”

So meron silang mutual understanding (MU)?

Mas seryoso niyang pahayag, “Siguro, mas pinapatatag lang namin yung foundation namin ngayon.”

So MU nga sila?

Maingat niyang sagot, “Hmmm, hindi ko masabi.

Parang ganun na rin.”

NEW POTENTIAL SUITOR

Inamin din ni Shaira na may nanliligaw sa kanya ngayon.

Aniya, “May nagpaparamdam.”

Pumayag si Edgar Allan?

Pakli niya, “Siyempre hindi!

Kaya nga, di ba, nag-e-effort siya?”

Ano ang reaksyon ni Edgar Allan na may nagpaparamdam sa kanyang iba?

Wala naman, tahimik lang siya.”

Matagal na rin ang relasyon nila.

FOCUS ON WORK, NOT LOVE

Tinanong namin si Shaira kung gaano na katagal ang relasyon nila, kung isasama na rin pati yung mga break.

Parang… six years?”

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?

Paliwanag ni Shaira, “Bakit pag-uusapan e wala nga kami ngayon?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ako kasi, personally, ayokong yung topic na ganyan... na mapag-uusapan ako na about lovelife.

So gusto kong mapag-usapan ako about work.

So parang sa akin, tsaka na lang yung ano, pag medyo nakaangat-angat na tayo, di ba?

Pag nakagawa na tayo ng pangalan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaira sa mediacon ng Love You Two noong Huwebes, April 11 sa Studio 7 ng GMA Network; gaganap rito si Shaira bilang si Sam.

Bida rito sina Jennylyn Mercado (as Raffy) at Gabby Concepcion (bilang Jake).

Nasa Love You Two (na eere na sa April 22 sa GMA) sina Jerald Napoles (as Harrison), Kiray Celis (as Darling), Clint Bondad (as Theo), Solenn Heussaff (as Lianne), Nar Cabico (as Migs), Yasser Marta (as Edison) at Michelle Dee (as Mochi). Ito ay sa direksyon ni Irene Villamor.

NOT RESPONSIBLE FOR EA'S CHANGE OF MANAGEMENT

Samantala, itinanggi rin ni Shaira na siya ang dahilan kaya mula sa pagma-manage ni Noel Ferrer ay si Arnold Vegafria na rin ang manager ni Edgar Allan (na siya ring manager ni Shaira).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin niya, “Uy, hindi ah!

Madami siyang kinonsider na mga talent managers and luckily kasi maganda yung offer ni ALV so feeling ko, hindi ako.

May sarili naman siyang ano diyan.”




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN