Zanjoe Marudo, Josie Prendergast spotted with friends in Hong Kong

IMAGE @onlyzanjoemarudo / @josie_prendergast Instagram

Zanjoe Marudo brings rumored girlfriend Josie Prendergast to a quick getaway with friends in Hong Kong.


Low-profile man ang rumored romance sa pagitan nina Zanjoe Marudo at Josie Prendergast, hindi pa rin maikakailang patuloy ang espesyal na pagtitinginan sa pagitan ng dalawa. 

Noon lang April 10 ay namataang magkasama sila na tumatambay kasama nina Angelica Panganiban at Kean Cipriano.

Naroon din ang asawa ni Kean na si Chynna Ortaleza at anak nilang si Stellar. 

Base sa ibinahaging Instagram post ni Kean, kuha ang litrato sa Shake Shack sa Hong Kong. 

Magkatabi sina Zanjoe at Josie sa litrato, na bihirang makita ng publiko dahil hindi naman nagpo-post ng couple photos ang dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts. 

Sa comments' section, ilang netizens ang naghayag ng kanilang reaksiyon na kasama ni Zanjoe ang rumored girlfriend nito. 

Ilan sa mga ito ay supporters ng tambalan nina Zanjoe at Angelica sa kakatapos lang nilang ABS-CBN daytime series na Playhouse

Kaya raw may ilan sa kanila ang nanghihinayang na may ibang nauugnay kay Zanjoe sa tunay na buhay. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang ang iba naman ay boto kina Zanjoe, 36, at Josie, 19.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DATING SINCE JUNE 2018?

Si Josie ay isang surfer-model na nakabase sa Siargao. 

Sa ilang pagkakataong namataang magkasama sina Zanjoe at Josie ay galing sa mga kakilala ang nailalathalang photos nila. 

Noong June 2018, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdalo ni Zanjoe sa 19th birthday ni Josie sa Siargao, kung saan nakabase ang surfer-model. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang sumunod na buwan, kinumpirma ni Zanjoe na nasa "getting to know each other" sila ni Josie.

Aminadong "kinikilig" daw ang binata sa kumalat nilang litrato ng surfer-model. 

Huling nakitang magkasama sina Zanjoe at Josie nang nakipagkita sila sa Star Magic handler ng Kapamilya actor noong February 2019. 


Stories We Are Tracking

Zanjoe Marudo spends time with rumored girlfriend
Zanjoe Marudo spends time with rumored girlfriend
Zanjoe Marudo girlfriend should accept his simple lifestyle
Zanjoe Marudo girlfriend should accept his simple lifestyle
Zanjoe confirms
Zanjoe confirms "getting-to-know" stage with surfer-model
Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?
Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN