Glaiza de Castro Facebook account hacked

IMAGE Instagram

Glaiza de Castro took to Instagram to inform her followers that her Facebook account was hacked.


Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinaalam ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na na-hack ang kanyang Facebook account.

Mensahe ng aktres sa higit na 1 million followers niya sa Instagram, dedmahin daw ang mga post at messages na nanggagaling sa Facebook account niya dahil hindi sa kanya nanggagaling iyon.

Nagbigay babala rin si Glaiza sa mga manloloko, kaya pinost din niya ang mga unauthorized number na manggagaling sa FB account niya.

Heto ang pinost niya sa Instagram:


May higit na 770,000 followers ang Facebook account ni Glaiza.

Ilan sa kanyang mga Instagram followers ay nag-react sa post niya at nagbigay ng ilang tips para mabawi nito ang kanyang FB account.

Nagbigay din ang iba ng tips kung paano makaiwas sa hackers.

"That’s possibly a stalker who has nothing to do. Hope you can get your Facebook page back soon," comment ng isang netizen.

"You could directly contact to FB locally. It was happened with me in Thailand as well. FB will reactivate new user name login and new password which you can follow their instruction. (Be noted that due to you are a public person may be a prominent target, pls change your pwd at least every 3mths.)," abiso din ng isa pang netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe obsessed siguro sayo idol @glaizaredux pati page ni hack ingat nlng po palage sana mag ka teleserye ka ulit sa gma sana pang gabi nmn para masubaybayan ko," post naman ng isa pang concerned fan ni Glaiza.

ROAD TRIP TO BALER

Habang inaayos pa ang pagkaka-hack ng FB ni Glaiza, sa IG niya pinu-promote ngayong Holy Week vacation ang road trip to Baler na #LeaveToLive.

May sariling vacation house na si Glaiza sa Baler, Aurora at may ilang mga kuwarto roon na puwedeng rentahan ng mga weekenders.

Magandang pumunta at magpahina roon lalo raw ngayong Holy Week dahil malapit lang sa beach ang kanilang vacation house.

Heto ang pinost ni Glaiza noong nakaraang April 12:




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN