Maricel Soriano admits Bong Revilla wooed her long ago


"Nanligaw siya sa akin... Hindi pa siya artista noon," says Maricel Soriano about Bong Revilla, who courted the Diamond Star before he entered show business.


Sa solo presscon na ibinigay ng Star Cinema para sa Diamond Star Maricel Soriano kaugnay ng A Love Story, kahapon, August 1, "nabuking" na bukod sa leading man niya rito na si Aga Muhlach, naging manliligaw rin ni Marya si Ramon "Bong" Revilla Jr. noong unang panahon. Si Bong, anak ni Ramon Revilla Sr., ay nakilalang action star bago siya naging senador.

Sa U.S. naninirahan si Bong noon. Pagdating niya sa Pilipinas, si Maricel ang una niyang hinanap dahil gustung-gusto niya itong makita. At nang makita na nga sila, dinadalaw na ni Bong ang aktres sa kanyang bahay. "Hindi pa siya artista noon," pambubuking ng Diamond Star.



May regalong chocolates and roses din ba sa kanya noon si Bong kapag dumadalaw sa kanya?



"Parang may ganun din ‘ata, pero hindi ko maalala ‘yung part na ‘yon. E, kasi pag hindi sinasabi, kapag hindi bini-verbalize, parang malay ko naman kung ano ‘yon! Minsan tatanga-tanga rin ako, di ba? Minsan may ganun kasi, hindi nga bini-verbalize, di ba?

"Parang ano, baka naman nice siya. Ayoko namang ma-misinterpret ‘yung mga ganun. Baka naman nice lang. Wala namang sey ng such, di ba? So, siyempre, wa ka naman ano, parang, ‘Ah, yeah!" nakakatawang pahayag ni Maricel.

Sinagot ba niya o binasted si Bong?



"Kasi naman ‘pag sinabi mo ‘yung word or ‘yung term na basted, para namang ano, di ba? Hindi rin natuloy, ganun na lang," halatang pag-iwas niya.



Samantala, hindi ma-reveal ni Maricel kung siya ang legal wife or other woman ni Aga sa pelikula nila with Angelica Panganiban na A Love Story.



"Hindi ko alam, e," sabi niya. "Alam mo, hindi ko masagot kasi kung papaano nila ie-edit ‘yung pelikula, hindi ko alam. Hindi naman kasi namin [kinunan] ng chronological ‘yung pelikula. Meron kaming mga scenes na ganito, ganun.



"Live sound kami, e, kaya hindi ko alam kung paaano lalabas nang buo ‘yung movie. Kung meron man kaming ida-dub, pakonti-konti. So, hindi namin talaga alam. Kahit kami, ayaw nilang i-reveal sa amin na, 'O, ganito natin gagawin.' So, gugulatin din kami. Kaya ano ang sasabihin namin? Wala kaming masabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sobrang humanga rin daw si Maricel kay Aga bilang aktor habang ginagawa nila ang pelikula.



"Sinabi ko talaga kay Aga, ‘Alam mo, may bago kang fan?' ‘Sino?' ‘Ako,' sabi ko. ‘Eto naman,' ganun siya. ‘Uy, ayaw pang maniwala,' sabi ko sa kanya.


"Alam ko na magaling na artista si Aga. Pero nung nakasama ko siya sa movie na ‘to, napakahusay niyang aktor," papuri ni Maricel sa kanyang leading man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN