Gretchen Barretto shuts down netizen calling her "kabit"

IMAGE @gretchenbarretto Instagram

Gretchen Barretto candidly replies to basher calling her a mistress: "ONE THING IS FOR CERTAIN, i may be called a Mistress/ kabit etc BUT I WILL NEVER DREAM OF TRADING PLACES WITH ANY BASHER FOR THE SIMPLE REASON THAT YOU ARE ENVIOUS& Bitter."


Hindi nagpatinag si Gretchen Barretto sa isang netizen na binatikos ang pagpapakita ng aktres ng kanyang marangyang walk-in closet

Noong April 9, sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, nag-video si Gretchen ng kanyang walk-in closet na sakop ang dalawang kuwarto sa kanyang bahay. 

Makikita roon ang collection niya ng mga clothes, shoes, at bags. 

Isang netizen ang pumuna na hindi raw sariling pera ni Gretchen ang ipinambili ng mga iyon, kundi mula raw sa longtime partner ng aktres na si Tonyboy Cojuangco. 

Legally married pa rin si Tonyboy sa dating equestrienne na si Denise Yabut-Cojuangco. 

Batikos ng netizen kay Gretchen: "materialistic talaga si @gretchenbarretto kahit puro ginto ang buong bahay mo di mo pa rin pera ang pinangbili mo kabit @gretchenbarretto hay naku maluho ka talaga." 

Dahil naka-tag si Gretchen, agad niyang sinagot ang kritisismo sa kanya. 

Buwelta ni Gretchen: "ONE THING IS FOR CERTAIN, i may be called a Mistress/ kabit etc BUT I WILL NEVER DREAM OF TRADING PLACES WITH ANY BASHER FOR THE SIMPLE REASON THAT YOU ARE ENVIOUS& Bitter [heart emoji]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"the fact that ypu have time to waste on viewing my posts and bshing only means you are utterly disgusted with how your life id [heart emoji]" 

MORE INSULTS; GRETCHEN STILL UNFAZED

Muli pang binatikos ng netizen si Gretchen dahil sa umano'y pagsawsaw nito sa legal battle nina Kris Aquino at Nicko Falcis. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ito nang pagkampi ni Gretchen kay Nicko, ang dating endorser closer/talent agent/at project director ng digital company ni Kris.  

Hirit pa ng netizen patungkol kay Gretchen, "tawagan mo na si @mimiyque party party magluto ka na lng ng pancit canton tutal dun ka magaling, [laughing emoji]

"ah, hindi pala, magaling ka pa pa lang mang agaw ng asawa just remember John Estrada, Bong Revilla at Ramon Ang."

Tila may kinalaman ito sa napabalita noong pagkakaugnay ni Gretchen sa dating nakatrabahong mga artista na sina John Estrada at Bong Revilla.

Minsan ding naugnay si Gretchen sa businessman at kaibigan niyang si Atong Ang

Pero nanatiling cool si Gretchen sa kabila ng mga alegasyon ng netizen sa kanya. 

Balik-sagot ng aktres sa netizen, "eat your nasty heart out [laughing emoji] im living my life to the fullest while ypu find comfort in bashin those who live happily [hands up] love & light" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humirit naman ang netizen na pinaghihirapan niya kung anuman ang pinanggagastos niya. 

Hindi raw katulad ni Gretchen na "kailangan pa niyang kumabit sa Sugar Daddy niya para sa mga expensive na damit niya hahaha #materialisticGreta" 

Sa kabila ng pambabatikos sa kanya, sabi lang ni Gretchen, "because nobody is willing to spend for that attitude that ypu have.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Its not the pretty face darling but the character [kiss emoji]

"work your ass off [laughing emoji]" 

PRAYING FOR HER BASHER

Nang hindi pa rin tumigil ang netizen sa pamba-bash sa kanya, idiniin ni Gretchen na ipagdarasal na lang niya ang kanyang detractor. 

Aniya, "Love & light to you my dearest one. You are full of darkness. I wull pray for ypu [praying emoji]" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga iba namang netizens na ipinagtanggol si Gretchen at sinabing huwag na lang nitong patulan ang basher. 

Pero siniguro ni Gretchen na tinatawanan lang niya ang nambatikos sa kanya. 

"im just having some fun knowing there is one who is living hell on EARTH [laughing emoji]" 

Hindi ito ang unang pagkakataong sinagot ni Gretchen ang pagtawag sa kanyang "kabit" ng ibang netizens. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong June 2018, tahasan pang sinabi ni Gretchen na masaya at kuntento siya sa 24 taong relasyon nila ni Tonyboy. 

Ito ay dahil sa sapat na raw sa kanya ang unconditional love nito.

Sabi pa noon ni Gretchen hinggil kay Tonyboy, "I am happily his mistress."


Stories We Are Tracking

Lolit Solis: Hindi si Gretchen Barretto ang
Lolit Solis: Hindi si Gretchen Barretto ang "magnanakaw" sa post niya about Lani Mercado
Gretchen Barretto explains why she sides with Nicko Falcis against Kris Aquino
Gretchen Barretto explains why she sides with Nicko Falcis against Kris Aquino
Gretchen Barretto opens up about reconciliation with sister Claudine Barretto
Gretchen Barretto opens up about reconciliation with sister Claudine Barretto
Gretchen Barretto defends Kier Legaspi; takes a swipe at sister Marjorie
Gretchen Barretto defends Kier Legaspi; takes a swipe at sister Marjorie


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN