Xian Lim gives Kim Chiu a chaste kiss in Bali

IMAGE @xianlimm Instagram

Kiligers! Xian Lim posts sweet message for girlfriend Kim Chiu.


Pinakilig ni Xian Lim ang girlfriend na si Kim Chiu sa kanyang pambihirang sweet message sa dalaga nitong Linggo ng gabi, April 14. 

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Xian ang litrato nila ni Kim na kuha sa Bali, Indonesia. 

Makikitang nakaupo sila sa giant bird's nest, isa sa mga kilalang tourist attraction sa lugar. 

Kalakip nito ang sweet message ni Xian na nagsasabing walang ipinagbago ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Kim. 

"Still the same smile, still the same kiss, still the same us. [heart emoji] @chinitaprincess"

Halatang natuwa naman si Kim sa gesture ni Xian, base sa comment ng dalaga sa post ng kanyang boyfriend. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ani Kim, "hihihi [grinning emojis] may ganito sya oh!!!! [kiss emoji]"
Pati ang Kapuso actress at Miss World 2016 na si Megan Young ay kinilig kina Kim at Xian.
"Kimxi 4eva [heart emojis]," sabi ni Megan. 
Noon lamang November 2018 umamin sina Kim at Xian na matagal na silang magkasintahan.
Unang nagkatrabaho sina Kim at Xian sa My Girl, ang 2008 ABS-CBN prime-time series na pinagbidahan ni Kim at noo'y boyfriend niyang si Gerald Anderson. 
Nagsimulang maging magkatambal sina Kim at Xian sa 2011 Kapamilya primetime series na My Binondo Girl
Huli silang nagkatrabaho sa 2016 primetime series na The Story of Us.  
Muli silang magbabalik-tambalan sa Love Thy Woman, ang nalalapit na 2019 drama series kasama si Erich Gonzales. 

Stories We Are Tracking

Xian explains why he and Kim hid their relationship
Xian explains why he and Kim hid their relationship
Angelica Panganiban hurt by press treatment of her problem with Derek Ramsay in the past
Angelica Panganiban hurt by press treatment of her problem with Derek Ramsay in the past
Xian Lim says no to live-in before marriage
Xian Lim says no to live-in before marriage
How Xian Lim copes with hyper girlfriend Kim Chiu
How Xian Lim copes with hyper girlfriend Kim Chiu


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN