Bea Alonzo welcomes Angel Locsin's ABS-CBN entry


Kapamilya's homegrown actress Bea Alonzo (right) does not feel insecure about Angel Locsin's (left) transfer. Bea says her only competition is herself, being "passionate about (her) craft."



Nang makumpirma ang paglipat ng dating prized star ng GMA-7 na si Angel Locsin sa bakuran ng ABS CBN, si Bea Alonzo ang isa sa mga artista ng Kapamilya Network na hinuhulaang maaapektuhan sa napipintong pag-o-ober da bakod ni Angel.

Bea Alonzo at Angel Locsin—dalawa sa pinakasikat na batang artista ng kanilang panahon. Kaya, sabi-sabi, malaki ang posibilidad na ang mga proyektong dapat ay kay Bea ay mapunta kay Angel sa bandang huli .

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Bea noong July 29, sa ASAP '07. Hiningi namin ang reaksiyon niya sa pagiging Kapamilya ni Angel.



"Hindi ko pa siya nakikilala ng personal, but I think mabait naman siyang tao," panimula ni Bea. "I don't think na dapat sabihin na hindi niya deserve kung anuman ang nakukuha niya. I think she deserves what she's getting right now.



"I believe na kung iyon ang para sa kanya, iyon ang para sa kanya. Kung ano ang para sa akin, iyon ang para sa akin. Hindi ako nai-insecure because ako, I'm very passionate about my craft. I love my craft and I'm very passionate on it.

"Hindi ako nakikipag-kumpitensiya kahit na kanino. Kung makikipag-kumpitensiya man ako, sa sarili ko and not to anyone," dagdag pa niya.



Sinabi rin ni Bea na homegrown talent ng ABS-CBN, "For me kasi, dapat pa ngang i-welcome kung may mga Kapamilya na darating."

JOHN LLOYD-ANGEL? Ang tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang isa sa pinakasikat na loveteam ngayon. Paano kaya kung itambal si John Lloyd kay Angel sa isang telesreye o pelikula na maaaring sa huli ay ikabuwag naman ng John Lloyd-Bea tandem?



"'Yung sa amin ni John Lloyd, matatag na ‘yung foundation ng loveteam namin. I believe, kahit papaano naman, natanggap at sinuportahan na talaga kami ng publiko. Pero kung hanggang doon na lang, at least nakatrabaho ko na siya," sagot ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay isang pelikula ang sinisimulang gawin nina Bea at John Lloyd sa Star Cinema. Ito ba ang kapalit na proyekto ni Bea sa hindi natuloy na tambalan nila ni Sam Milby?



"No, made-delay lang ‘yung sa amin ni Sam," paglilinaw niya. "Baka isu-shoot namin by the end of the year, but may movie ako with John Lloyd. Uunahin namin itong gawin and we'll gonna start shooting within this week."

Tiniyak din ni Bea na tuloy ang ikalawang aklat ng Maging Sino Ka Man, taliwas sa mga balita na hindi na raw ito matutuloy gawin.



"Sa pagkakaalam ko, magte-taping na kami by September. Pero hindi ko alam kung ipapalabas within this year. We're not sure kung ano ang gusto ng management, but definitely tuloy ang Maging Sino Ka Man Book 2. Ako, si John Lloyd, saka si Sam. Di ko alam kung kasama pa si Anne [Curtis], but definitely kasama namin si Angelica Panganiban," pagtatapos ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN