JK Labajo slams netizens for telling him to undergo psychological examination

IMAGE Courtesy: @jkfamonline on Instagram

JK Labajo refuses calls for him to seek psychological help: "no need to prove my innocence. only the people who know me well know the truth and that is enough."


Pumalag ang singer na si JK Labajo sa mga panawagan ng ilang netizens na siya ay magpa-check up sa isang psychologist upang malaman umano ang kalagayan ng kanyang pag-iisip.

Ito ay matapos masangkot sa ilang kontrobersiya ang 18-year-old singer nitong mga nakaraang buwan.

Kabilang na rito ang Twitter word war nila ng kapwa singer at The Voice Kids co-finalist na si Darren Espanto, at ang pagmumura ni JK sa isang music festival matapos isigaw ng isang fan ang pangalan ni Darren habang nagpe-perform siya sa entablado.

Kasunod nito, sinabi ni JK na may mga nagbabanta sa kanyang buhay.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories (IG Stories) nitong Linggo ng gabi, April 14, ibinahagi ni JK ang kanyang saloobin tungkol dito:

“pretentious act

“saying I need psychological help

“yet they’re the

“ones who got

“fooled by the

“angelic mask.

“master of manipulation.

“the truth will prevail.

“and when that happens, i’ll laugh.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng vocalist ng Juan Karlos band, hindi niya kailangang patunayan ang kanyang pagiging inosente.

Ang mahalaga, alam daw ng mga taong nakakakilala sa kanya ang totoo.

“no need to prove my innocence.

“only the people who know me well know the truth and that is enough.

“i’m waiting.

“patiently, for the day where they show their true colors.

“that’s going to be a colorful day.

“i’m waiting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa pinakasikat na awitin ni JK ay ang "Buwan," kung saan ang music video nito ay mayroon nang 107 million views sa YouTube.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN