Kris Aquino addresses "hired killers" allegation of Falcis brothers

IMAGE Instagram

Kris Aquino (left) points to Mar Roxas's spokesperson, Edgar Erice, as person behind Nicko (center) and Jess (right) Falcis's allegation that she was out to get a "hitman" to do the brothers in.


KrisAquinoVsNickoFalcis

Nagsalita na si Kris Aquino tungkol sa alegasyong nagpahanap siya ng "hired killers" mula sa ilang "powerful friends" upang iligpit ang magkapatid na Nicko at Jess Falcis

Sagot ito ng web star sa isinumiteng sworn Reply Affidavit ni Atty. Jess sa Office of the Prosecutor ng Quezon City noong March 8, 2019. 

Kapareho ng Reply Affidavit ni Atty. Jess ang Instagram post ni Nicko noong March 12, 2019. 

Tinutukoy ng mga ito ang reklamong grave threat na isinampa nina Nicko at Jess laban kay Kris noong January 18, 2019. 

Ang pinagmulan ng sinasabing grave threat ay ang September 27, 2018 phone call sa pagitan nina Kris at Nicko, kunsaan maririnig na binabantaan ni Kris na "ipapapatay" ng kanyang pamilya si Nicko.

Inamin ni Kris sa isang Instagram post noong January 15, 2019 na siya nga ang kausap ni Nicko sa telepono. 

ALLEGED POLITICAL CONNECTION

Kahapon, April 14, nagpatutsada si Kris na may kinalaman ang kampo ni Mar Roxas, na ngayon ay tumatakbo sa pagka-senador, sa umano'y paninira ng magkapatid na Falcis sa kanya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa ika-limang araw pa lang si Kris ng kanyang self-imposed retreat mula sa social media—"my return is up to me, when I'm ready"—nang basagin nito ang katahimikan. 

Ito ay dahil daw sa lumabas na panayam kay Caloocan Second District Representave Edgar Erice sa Philippine Daily Inquirer, noong umaga ng April 14. 

Si Erice ay campaign manager at spokesperson ni Mar ngayong 2019 elections. 

Sinabi rito ni Erice na isang malaking pagkakamali ni Mar—nang ito ay tumakbong presidente noong 2016 elections—ang pagkakaugnay nito kay dating President Benigno "Noynoy" Aquino III.

Inalmahan ni Kris ang umano'y paninisi ng kampo ni Mar kay Noynoy sa kanyang pagkatalo.  

Hindi tuwirang pinangalanan ni Kris si Erice, pero malinaw, dahil sa timing na rin ng Instagram post ng web star, na si Erice ang kanyang tinutukoy. 

KRIS ON ALLEGED HIRED KILLERS

Sa isang bahagi ng pahayag ni Kris, tahasang sinabi nitong may kinalaman din si Erice sa kasalukuyang legal battle ng aktres laban sa magkapatid na Falcis. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diumano, gawa-gawa ang kuwentong nagpapahanap siya ng "hired killers" kay Erice upang pagbantaan sina Nicko at Jess.

Hindi raw "hitman" ang ipinahanap niya rito kundi "bodyguards" na poprotekta sa mga anak niyang sina Josh at Bimby. 

Pahayag ni Kris: "Uunahan ko na yung spokesperson, akala ni Rochelle kaibigan nya, mukha siyang goons, lahat ng bodyguard ko dati mukhang hipan lang ng hangin- tutumba."

(Ang tinutukoy ni Kris na Rochelle ay ang kanyang staff na si Rochelle Ahorro.)

"Tumawag si Rochelle asking kung may mare-recommend na mga mukhang basagulero dahil may nagpakita sa akin ng 'chat group' na lahat ng galaw namin- pati schedule ni kuya-kumpleto. 

"Dinagdagan ang kwento (wag mag deny, nabasa ko sa affidavit ng mga Falcis)-humingi daw ako ng 'hitman' sa kanya." 

Patutsada ulit ni Kris, ginamit ng kampo nina Erice at Mar ang "kalaban" niyang sina Nicko at Jess upang siraan siya. 

Aniya, "Matalino kayo-affidavit ng kalaban ko. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam na kung sino ang nasa likod ng mga Falcis. Destroy Kris, kanya 2022." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang sinusulat ito, inilagay na raw ni Kris sa "archive" ang post niyang ito kaya hindi na mababasa ng kanyang Instagram followers. 

ON BEING TAGGED "ARTECARIA, LUPUS QUEEN"

Samantala, sa hiwalay na post ni Kris ay ipinakita niya ang "lubog" o humpak niyang mukha dala pa rin daw ng kanyang health issues. 

Isang netizen ang bumatikos kay Kris at sinabing tigilan na ng TV host-actress ang pagdaldal sa social media. 

Sabi ng netizen na may Instagram handle na @shss109: "Rest in Peace [head and gun emojis] mukha ka ng bangkay pagamot mo yan utak mo sa mental hospital ng di kna nag iingay kakasakuka ka lakas ng Tagas ng Utak mo [fist bump and smile with tongue sticking out emojis]@krisaquino." 

Sa sagot ni Kris, tinawag niyang "nicko" at "jess" ang netizen na may handle na "@shss109."

"@shss109 hi nicko. hi jess. make up your mind- ARTECARIA ba, LUPUS queen, or mukhang bangkay? Yan ang problema- pag puro pagsisinungaling- SUPER HARD TO STICK TO ONE STORY." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, tahimik ang kampo ng Falcis brothers sa mga panibagong alegasyon ni Kris.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino withdraws qualified theft complaint vs Nicko Falcis in Mandaluyong
Kris Aquino withdraws qualified theft complaint vs Nicko Falcis in Mandaluyong
Kris Aquino takes indefinite leave from social media
Kris Aquino takes indefinite leave from social media
Kris Aquino echoes Claudine Barretto statement that they are still friends
Kris Aquino echoes Claudine Barretto statement that they are still friends
Kris Aquino, Falcis brothers trade barbs anew on social media
Kris Aquino, Falcis brothers trade barbs anew on social media




ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN