Who is the woman in Clint Bondad alleged making-out video?

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Clint Bondad claims he is clueless about a viral video where he is allegedly seen making out with an unidentified woman.


May natanggap na impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa identity ng babaeng diumano’y nakahalikan ni Clint Bondad sa isang bar.

Hindi namin pinangalanan ang nasabing babae sa mga naunang artikulo tungkol sa isyu dahil nais sana naming si Clint mismo ang magkumpirma tungkol dito.

Sa grand media conference ng una niyang teleserye sa GMA-7 na Love You Two noong Huwebes, April 11, inusisa ng PEP.ph si Clint tungkol sa nasabing video at sa katauhan ng babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi ni Clint na siya ang lalaking nasa video.

Sabi niya, "Bar, kissing with a girl? Ako ba yun?

"Is that me? Which one? Hindi ko nakita. Which one?"

Ibinulong namin sa kanya ang pangalan ng babaeng kasama niya diumano sa kumalat na video.

“Who’s that?” balik-tanong ni Clint.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya kilala ang pangalang ibinulong namin sa kanya?

“No,” tugon ng model-actor.

Dagdag pa niya, na sinundan ng malutong na halakhak, “Actually, I don’t!

“Wrong sources. Wala akong alam diyan.”

THE WOMAN WITH CLINT

Noong Sabado, April 13, nakatanggap ang PEP.ph mula sa isang source ng isang larawan kung saan kasama ni Clint ang isang magandang babae.

Ang babaeng kasama ni Clint sa larawan ang sinasabing kasama ng model-actor sa viral making-out video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay pa ng ilang impormasyon ang aming source tungkol sa katauhan ng babaeng kasama ni Clint sa larawan, ngunit minabuti naming huwag na lamang itong banggitin.

Noong Pebrero 2019, umamin sina Clint at Miss Universe 2018 Catriona Gray na hiwalay na sila matapos ang halos anim na taong relasyon.

Naninindigan si Clint na single siya ngayon.

“Of course, always,” sabi niya.

ACTING

Ayon kay Clint, masaya siya sa kanyang karera ngayon sa pag-arte.

Marami raw siyang natututunan sa kanyang co-stars sa Love You Two.

Saad niya, “I love it.

"It’s always, yung mga barkada talaga, it’s masaya, yung tama yung environment.

“Yung mga workmates, it’s always beautiful kahit anong gagawin mo.”

Sa teleserye, ginagampanan ni Clint ang role na Theo, ex-boyfriend ni Raffy na gagampanan naman ni Jennylyn Mercado.

Kasama rin nila sa Love You Two sina Gabby Concepcion, Solenn Heussaff, Shaira Diaz, Sheena Halili, Jerald Napoles, Nar Cabico, Yasser Marta, Michelle Dee, at Kiray Celis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ito sa GMA Telebabad simula April 22.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN