Aiko Melendez feels relieved after Facebook Live rant

IMAGE Noel Orsal


Masaya si Aiko Melendez na positibo ang naging feedback ng Facebook Live niya noong April 5.

Sa kanyang Facebok Live, hindi napigilan ng Kapamilya actress na maglabas ng saloobin dahil sa mga paninirang puri na ibinato sa kanya ng kalaban sa pulitika ng boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun.

Nitong 2019 mid-term elections ay tumatakbo si Jay bilang vice governor ng Zambales, na siyang puwesto ngayon ng pinatutsadahan ni Aiko.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa pamamagitan ng private messaging ngayong Lunes, April 15.

Kinumusta namin ang pakiramdam niya pagkatapos ng kanyang pagsasalita sa Facebook.

Pahayag ni Aiko, “Masaya after FB live ko dahil nailabas ko na yung matagal nang sama ng loob na kinikimkim ko.

“I felt at peace, ‘tapos ang dami nang views sa YouTube. Almost 600K.

“Sa FB, almost 200K na majority ay kampi sa akin at naaawa.

“Si Vice Gov, wala siyang sagot about sa FB. Wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-surprise, bumalik siya sa pagtira kay Jay, not sa akin.

“Na-realize niya siguro na tama yung advice na ‘to have a decent mouth.’"

FAILED MARRIAGES

Anong suporta ang ibinigay sa kanya ni Mayor Jay at ng pamilya nito sa gitna ng laban niyang ito.

Ayon sa award-winning actress, “Nahihiya actually si Jay at ang pamilya niya sa akin dahil nung una ay halos maiyak talaga ako tungkol dun sa ‘Jade.’

“Kasi, alam naman nila yung totoong side.”

Ang “Jade” ay ang karakter na ginagampanan ni Yam Concepcion sa sikat na ABS-CBN primetime series na Halik. Kabit ang role ni Yam sa nasabing teleserye.

Patuloy ni Aiko, “Gusto sanang magsalita ni Jay, pero ayaw niyang patulan kasi babae.

“Ang nakakainis, ang daming sawsawera na hindi matanggap ang katotohanan.

“In short, bitter, and since last year pa ‘yan.

“Yung kamag-anak ng ex-wife niya, minura ako sa private message.

“Iniyakan ko, na awang-awa sa akin si Jay dahil alam niyang malinis ang pangalan ko, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Andiyan na sabihin na ang dami ko raw lalaki, when in fact, hindi ko naman itinago ang failed marriages.

“At least, wala akong skeletons in the closest.

“Sila kaya? May alam ako, pero quiet na lang ako. Ha! Ha! Ha!”

THE CHANCE MEETING

Saan siya humuhugot ng lakas sa mga pangyayaring ito na tinitira siya nang personalan?

Sabi ni Aiko, “Sa dasal, at sa higpit ng yakap ng mga taga-Zambales na higit pa sa tunay na Zambaleña ang ipinadadama nila sa akin.

“Kaya siguro na-threatened ang vice gov, kasi pictures won’t lie.”

Paano kung magkita sila ni “Madame Vice Governor” sa isang okasyon. Ano ang magiging reaksiyon niya?

Diretsahang sabi ng Kapamilya actress, “Ipapakita ko sa kanya ang diperensiya ng ugali naming dalawa sa tao.

“Baka ako pa ang unang bumati. Ipapakita ko na civil akong tao at disente.”

Kasalukuyang nasa Zambales pa rin si Aiko, na pansamantalang tumigil muna sa pagkakampanya kaninang umaga dahil umulan daw sa nasabing lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN