Dingdong Dantes dismisses rumors linking him to Marian Rivera


"All right kami, trust me," says Dingdong Dantes (middle) to PEP about his relationship with girlfriend Karylle (right). The young actor also dismissed rumors linking him to Marimar co-star Marian Rivera (left).



Nagkakalabuan na ba ang magkasintahang Dingdong Dantes at Karylle? Ayon sa bulung-bulungan, at sa isang blind item, isang dahilan ay si Marian Rivera, ang leading lady ni Dingdong sa next primetime soap ng GMA-7 na Marimar.

Pinabulaanan ito ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang text message.

"All right kami, trust me," text ni Dingdong sa amin.

Hindi pa rin yata naririnig ni Dingdong ang issue sa kanila ni Marian or kay Karylle kaya nagulat din siya sa aming text message.

Alangan pa kami kasi na mag-text kay Dingdong tungkol sa bali-balita. Pero kahit siya, clueless sa itatanong namin. "Basta kung ano man ‘yon, you may [ask] any time. Ano ba ‘yon?"

Dingdong reassured us that all is well sa kanila ni Karylle ngayon and Marian is just a partner. Naiintindihan daw ito ni Karylle.

Magtatapos ang Lupin sa August 17 at papalitan ng Marimar, pero ang narinig namin, baka mag-overlap ang huling linggo ng soap ni Richard at ang soap nina Dingdong at Marian.

Nasa Zambales ang cast at crew ng Marimar, at kung hindi man uwian, halos weekend na lang nagsisibalikan ang ilan sa Manila.

Two years na sina Dingdong at Karylle. Una silang nagkasama sa Twin Hearts, but their relationship developed during the taping of "Exchange of Hearts" episode nila noon sa Love to Love Season 3.

Matagal nang single si Marian at ang huling napabalitang nanligaw sa kanya ay si Mark Herras, na katambal niya naman sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN