Ai-Ai delas Alas ready to undergo in vitro fertilization

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas on married life with husband Gerald Sibayan: "Hindi kami nag-aaway. Minsan nag-iimbento ako [ng away], pero hindi successful. Deadma siya."


Handang-handa na raw ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa in vitro procedure na pagdadaanan niya para sa hangarin nila ng asawang si Gerald Sibayan na magkaroon ng anak sa susunod na taon.

Fifty-four years old na si Ai-Ai at baka mahirapan na siyang magbuntis sa normal na pamamaraan, kaya naisipan nilang subukin ang procedure na ito.

Nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand mediacon ng pelikulang S.O.N.S. (Sons of Nanay Sabel) ng Viva Films, sa Playhub Events Place, noong April 11, ipinagmalaki ng Kapuso star ang kahandaan niyang ito.

Pahayag ni Ai-Ai, “Oo, oo… alam ko naman.

“I’m ready. I was born ready.

“Kahit ano, basta normal and cute niya, okey na yun.

“Pero ako, gusto ko kambal, para isang besesan na lang—babae at lalaki.

“Anything, basta dalawa. Para tig-isa kami, di ba? Ang galing!”

Katulad sa pagdadaaanan niya, handa rin daw si Ai-Ai sa kung anumang mangyari sa kambal na gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa komedyana, “Oo. Yung iba kasi, kahit kambal, nawawala yung isa.

“Kailangan lang ready ka sa lahat ng bagay.

“Depende sa bigay ni Lord. Yun ‘yon, e.”

MARRIED LIFE

Ang isa pang ipinagmamalaki ni Ai-Ai ay ang pagiging smooth-sailing ng relasyon nila ni Gerald.

Limang taon na silang nagsasama, ngunit mahigit isang taon pa lang silang kasal.

Saad ni Ai-Ai, “Hindi kami nag-aaway.

“Minsan nag-iimbento ako [ng away], pero hindi successful.

“Deadma siya.”

Dahil aminado naman si Ai-Ai na selosa siya, nagseselos ba siya sa mga babaeng nagla-like sa posts ng kanyang mister?

Sabi ng actress-comedienne, “Hindi. Hindi ko makita, e.

“Ang liit ng IG [Instagram] niya.

“Di ba, pag mga bagets, maliliit yung mga letra, di ko makita.

“Bahala na siya. Kailangan kong mag-antipara [reading glass]!” tawang-tawang reaksiyon ni Ai Ai.

Kaya nga kahit tingin niya ay maraming magkakagusto sa kanyang asawa, lalo na ngayong nag-aaral ito para maging isang piloto, ay kampante pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsisiguro ni Ai-Ai, “Okey lang. Ganda ko, ‘no!

“Ba’t naman ako magpapatalo sa kanila? Tse!

“Tsetsehin ko lang sila."

Pagbibiro pa niya, "Pero, oo, siyempre mang-aaway talaga ako noon."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN