Jeric Gonzales speaks up about rumored breakup with Pauline Mendoza

IMAGE Instagram / Twitter

Jeric Gonzales on relationship with Pauline Mendoza: "Wala naman talagang ano... Special lang talaga siya sa akin."


Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Jeric Gonzales sa napapabalitang paghihiwalay nila ng nali-link sa kanyang si Pauline Mendoza.

Walang diretsahang pag-amin sa totoong estado ng kanilang relasyon, pero marami ang nagsasabing higit pa sa pagiging co-stars ng Kambal Karibal ang turingan nila sa isa’t isa.

Hanggang may mga nababasa na ang netizens na ilang “hugot” quotes sa social media posts ni Pauline, kasabay ng balitang nagkanya-kanya na sila ng landas.

“Ang masasabi ko po dun ay we’re going through a peaceful situation, and mas focused sa career.

“Dun kami papunta. Mas pinili namin,” pag-amin ni Jeric sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa campaign rally ng tumatakbong mayor ng Pandi, Bulacan na si Rico Roque at ng buong team nito na ginanap sa Pandi noong April 14.

Si Jeric ay isa sa guest performers na nasabing kampanya kasama si Kyline Alcantara.

For the record, ilang buwan tumakbo ang kanilang relasyon ni Pauleen, kung mayroon man?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maingat na pahayag ng Kapuso actor, “Wala naman talagang ano...

“Special lang talaga siya sa akin.

“Siguro kasi, mas napag-isipan namin at na-realize namin na mas kailangan naming mag-focus sa...”

Maayos naman daw ang kanilang pag-uusap at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Pauleen.

Saad ng 26-year-old actor, “Okey naman. We’re civil and we’re friends.

“Okey naman yung relationship namin.

“Ano... basta napag-usapan lang namin.

“Napag-usapan naman nang maayos.”

Kaya kahit magkita raw sila sa mga okasyon, walang ilangang mangyayari at walang mag-iiwasan katulad sa ibang couples na naghihiwalay.

Giit ni Jeric, “Wala, wala. Okey naman kami.

“Walang problema.”

At least, wala kaming nababasang “hugot” lines sa kanya?

Paliwanag ni Jeric, “Hindi naman ako ma-social media. Hindi naman ako ganun.”

Ano ang huling mensahe niya sa kanyang dating special friend?

Nangingiting sabi ni Jeric, “Last message?

“Wala. Ano, okey na okey naman kami.

“Yun lang, good luck sa amin pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang naman ang ano namin, e.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN