Former matinee idol Jose Mari Gonzalez passes away

IMAGE Courtesy: @jmgstar on Twitter / Philippines, My Philippines on Facebook

Former Sampaguita Pictures contract star and San Juan congressman Jose Mari Gonzalez dies of cardiac arrest Tuesday morning, April 16.


Pumanaw na ang dating matinee idol na si Jose Mari Gonzalez ngayong Martes, April 16.

Siya ay 80 years old.

Si Jose Mari ang ama ng dating aktres at ngayo'y Tacloban mayor na si Cristina Gonzalez Romualdez at ng dating aktres na si Ana Margarita Gonzalez.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng malapit na kaibigan ng pamilya Gonzalez at beteranang showbiz writer na si Aster Amoyo ang malungkot na balita.

Ayon kay Aster, sumakabilang buhay si Jose Mari sa Asian Hospital dahil sa pneumonia at cardiac arrest.

Buong mensahe niya sa kanyang post: “Former Sampaguita matinee idol and politician Jose Mari Gonzalez and dad of singer-actress-politician Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez passed away this morning at 6:30 am due to pneumonia and cardiac arrest.

“He was 80 years old. He is survived by his wife Rosario ‘Chayong’ Mallarky-Gonzalez, children Cristina, Jose Luis, Michael, Anna and Jose Mari, Jr. and grandchildren.

“His wake starts tomorrow at the Heritage Memorial Chapel in Taguig City up to Friday. Interment to be announced later. Let us pray for the repose of his soul.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTINA GONZALEZ'S MESSAGE FOR HER LATE DAD

Ngayong hapon, nagbahagi rin ng kanyang mensahe sa Facebook ang anak ni Jose Mari na si Tacloban City Mayor Cristina Gonzalez Romualdez para sa yumaong ama.

Pahayag ng dating singer-actress: "Goodbye Dad! You have been a Blessing to Mom me jolong mike anna chemari and to our whole family. I am blessed to have you as my father.

"So many good memories with you and Mom since we were little never failing to take us with you on your trips out of town.

"Being quite strict to us but within reason.

"I have learned so much from you.

"You will always be in our hearts! We love you Dad!"

FORMER MATINEE IDOL

Si Jose Mari ay pumasok sa mundo ng pelikula noong 1950s sa edad na 17.

Naging contract star siya ng Sampaguita Pictures, isa sa pinakamalaking film companies noon, kung saan nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay ang Ulilang Anghel (1958), Tawag Ng Tanghalan (1958), Mga Anghel Sa Lansangan (1959), Handsome (1959), at Baby Face (1959).

Ginawa rin niya ang Beatnik (1960) kasama si Susan Roces; Joey, Eddie, Lito (1961) kasama sina Eddie Gutierrez at Lito Legaspi; Operatang Sampay Bakod (1961) kasama sina Amalia Fuentes at Dolphy; Tindahan Ni Aling Epang (1961) kasama si Liberty Ilagan, at Kaming Mga Talyada (1962).

Si Jose Mari ay naging kongresista rin ng San Juan City noong 1998 hanggang 2002.

Naging presidente rin si Gonzalez ng TV network na RPN9, at naging co-host sa late-night public service program na The Police Hour, kasama ang yumao na ring si PDDG. Romeo L. Peña, MNSA.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN