Former sexy star Maye Tongco challenges ex-mistress of her husband: "Ipa-DNA test mo ang anak mo!"

IMAGE Jerry Olea

Former sexy star Maye Tongco says the ex-mistress of her ex-husband has been harassing them since 2013. The ex-mistress is claiming that the father of her child is Maye's husband.


Mistulang krus na pinapasan ng dating sexy star na si Maye Tongco ang panggugulo diumano ng ex-mistress ng kanyang mister na si Dax Ypon.

“Ayaw niya kaming tantanan!” himutok ni Maye nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Abril 13, Sabado ng gabi, sa Claire de la Fuente Seafood Paluto, Macapagal Avenue, Pasay City.

Kini-claim ng ex-mistress na ang husband ni Maye ang ama ng magdodose anyos na anak nito.

Kuwento ni Maye, “Walang problema sa akin kung nagkaanak ang asawa ko sa iba. Pinag-aral nga ng asawa ko yung bata.

“Gusto ko lang masiguro na anak talaga iyon ng asawa ko.

“Gusto kasi ng babae na humingi ng P5M, plus P200,000 buwanang sustento, kotse at bahay.

“Ayaw niya na walang katulong ang anak niya.”

Noong 2013 pa ang kalbaryong ito ni Maye.

Dagdag niya, “Tatlong negosyo na ang ibinigay sa kanya ng asawa ko.

“Malaking halaga yun dahil sa mall yung negosyo, sa Dumaguete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-5/6 pa siya. Nag-parlor 'tapos, e, nalugi!

“Kaya habol siya nang habol. Ginagamit ang anak niya.

“Ipina-barangay ko na iyan sa Cebu. Ipinapulis, pero hindi natatakot.

"Pag dumating yung summon, lumilipat ng tirahan.

“Ang yabang-yabang pa! Nagpu-post sa Facebook na hawak ang dollars mula sa asawa ko."

Sabi pa ni Maye, “Nainis din ako sa magulang nung babae. Kasi, sinabihan ko yung magulang na layuan ng anak niya ang asawa ko.

“Sabi ba naman ng magulang, wala raw masama sa pagiging kabit. Tama ba yun?!

“Anong klaseng magulang yun?! Nakakaloka!!!

“Kaya sino bang asawa ang hindi magagalit kung ang kabit, e, ganyan, e, hindi pa napapatunayan na anak nga ng asawa ko yung bata.”

Mga Kalapati sa Gabi (2005) ang huling pelikula ni Maye.

Iniwan niya ang showbiz noong 2006.

Nagpakasal siya kay Dax noong 2007.

Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki na sumasali sa mga junior golf tournament.

DNA TEST

Ayon kay Maye, malayo ang hitsura ng bata sa kanyang asawa kaya hinahamon niya ang kabit para magkaalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipa-DNA mo ang anak mo. Tapos, idaan natin sa legal.”

Sakaling mapatunayan na anak iyon ni Dax, handa si Maye na patirahin ang bata sa kanilang tahanan.

“Kung anak nga siya ng asawa ko, pag nandito sa Pilipinas ang asawa ko, puwede siyang magbakasyon sa bahay,” pahayag ni Maye.

“Kung hindi kaya ng babae na bigyan ng tirahan ang anak niya, i-adopt na lang namin.

“Walang problema sa akin kung anak nga siya ng asawa ko.

"Ang away ng mag-asawa at kabit, hindi kasali yung anak.

“Iyong kasalanan ng magulang, hindi kasalanan ng anak.”

Ayaw idemanda ni Maye ang dating kabit para hindi masangkot ang kanyang mister sa kaso.

Bakit martir-martiran si Maye sa asawa?

“Siyempre, mahal mo, e! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Maye.

“At saka hindi mo puwedeng pakawalan ang asawa mo, di ba? Kasi, personal property nga yun! Ha! Ha! Ha! Ha!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN