Maryo J. de los Reyes: Angelica Panganiban will be great "like Charito Solis"


"Given the right roles, right management of her career, she's gonna be a big actress like Charito Solis. May angst si Angelica," says Direk Maryo J. de los Reyes of Angelica Panganiban.



Kahit pa may pagka-sexy ang image ni Angelica Panganiban, marami ang nagulat kung paano siya napapayag ni Direk Maryo J. de los Reyes na gawin ang mga love scenes nila ni Aga Muhlach sa A Love Story.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica sa solo presscon niya para pelikulang ito ng Star Cinema, inamin niyang kinabahan siya nang gawin niya ang love scenes nila ni Aga. But with Direk Maryo's guidance and convincing powers, hindi naging mahirap para sa direktor na mapa-oo ang young actress.



"Angelica is very open and trusting. Kinausap ko siya, ‘Anak, I hope you can trust me. Siguro naman based on my body of works, di kita babastusin, di kita bababuyin. Wala pa akong ginagawang ganun saka nirerespeto ko naman ang mga artista kong babae. As a matter of fact, I'm a woman's director. Ang dami kong napapanalong artistang babae—from Charito Solis, Vilma Santos, and even Aleck Bovick," lahad ni Direk Maryo.

Puro praises at magagandang salita ang lumalabas kay Direk Maryo patungkol kay Angelica. Tiniyak din ng direktor na hindi nasapawan ang young actress sa mga eksena niya with Aga and Maricel Soriano.



"Given the right roles, right management of her career, she's gonna be a big actress like Charito Solis. May angst si Angelica," papuri pa ng premyadong direktor.



Tinanong namin si Direk Maryo kung ano ba ang pagkakaiba kapag idinidirek niya ang mga mahuhusay na artista, tulad nina Aga at Maricel, sa mga baguhang artista. The director honestly admitted na bukod sa mas bawas sa trabaho, sakit sa ulo rin ang madalas na ibinibigay pag baguhan ang isang artista.



"Matured na sila, masarap na sila idirek, lesser na ‘yung trabaho," sabi niya tungkol kina Maricel at Aga. "Hindi na ko nagta-tumbling sa set, di katulad pag idinidirek mo ay mga young teenagers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Maricel at Aga, naiintindihan nila ang gusto mo. ‘This is the objective of the scene, ito ang emosyon, gamitin mo ‘yan, sabihin mo ‘yan ng ganito, huwag kang magmadali, ito ang emosyon na gusto kong makita.' Sa mga artistang bata, ‘O, lakad ka dun.' Siyempre pag lakad niya, iba ‘yung pace ng lakad niya, nagmamadali, competitive ang dating. Ang aim niya is to memorize and deliver it as fast as they can."

Ang debut film ni Direk Maryo ay ang High School Circa ‘65 noong 1979. Ang ilan pa sa memorable films niya ay Annie Batungbakal (1979), Minsan May Isang Ina (1983), Saan Darating ang Umaga? (1983), Bagets (1984), Tagos ng Dugo (1987), Dinampot Ka Lang Sa Putik (1991), My Other Woman (1991), Sinungaling Mong Puso (1992), The Secrets of Sarah Jane (1994), Sa Ngalan ng Pag-ibig (1995), Sa Paraiso Ni Efren (1999), Laman (2002), Magnifico (2003), at Naglalayag (2004).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN