Joseph Bitangcol texted ex-girlfriend Sandara Park good-bye


Joseph Bitangcol and Sandara Park were an item for almost three years.



Umalis ng bansa ang Korean young actress Sandara Park noong August 1. Bumalik na siya sa Korea, sa kanyang bayang sinilangan.

Nagdesisyon si Sandara na iwanan na ang showbiz dahil wala na raw trabahong dumarating sa kanya at wala na ring ibinibigay na projects ang mother studio niyang ABS-CBN. Ipagpapatuloy na lang daw niya ang pag-aaral habang nagtatrabaho.

Naging boyfriend ni Sandara si Joseph Bitangcol ng halos tatlong taon. Kaya naman nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Poral) sa young actor para kunan ng reaksiyon tungkol sa biglaang pagbabalik sa Korea ng dating kasintahan.

Nagkausap ba sila ni Sandara bago siya lumipad?

"The night before na umalis siya, text-text lang kami ng paalaman. Gustuhin ko man siyang makita o makausap ng personal, hindi ko magagawa kasi nasa taping ako that time ng Margarita," text-back ni Joseph sa PEP.

Paano niya nalaman na aalis si Sandara?

"Nabalitaan ko lang sa iba na aalis na siya," sagot ng young actor. "Kaya nag-text agad ako sa kanya. Sabi niya sa akin, gagawan daw niya ako ng e-mail address para 'pag may time kami, magbalitaan na lang kami through e-mail."

Umiyak ba siya nang magpaalam sa kanya si Sandara?

"Hindi ako umiyak. Desisyon din naman ng pamilya niya 'yon. At may kailangan din kasi silang ayusin sa Korea kaya bumalik sila doon."

Ngayong wala na sa Pilipinas si Sandara, hindi kaya manligaw na agad sa iba si Joseph?

"Hindi muna, pahinga muna ako. Pero tingnan din natin," pahaging niya.

Nagkakilala sina Sandara at Joseph sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN