Mariel Rodriguez on rumored suitor Luis Manzano: "Just friends."


Mariel Rodriguez, co-host of ABS-CBN's new global show Entertainment Live, has received no love signs from Luis Manzano, who she says is her close friend from way back.



May global format na ang bagong entertainment show ng ABS-CBN, Entertainment Live! Tampok dito ang kilalang mga Pinoy Big Brother hosts na sina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, at Bianca Gonzales tuwing Sabado ng hapon, pagkatapos ng Wowowee.



Si Mariel Rodriguez ang pinakamaagang dumating sa presscon para sa bagong Kapamilya show, kahapon, August 2, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN. Kinumusta muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Entertainment co-host ang napabalitang pagkakamabutihan nila ni Luis Manzano.



Pangkaraniwang sagot ang ibinigay niya: "We're just friends."



Ibig bang sabihin ay hindi pala totoong nanliligaw sa kanya ang anak nina Batangas Governor Vilma Santos at Optical Media Board Chairman Edu Manzano?



"Friendly naman kasi si Luis sa lahat, e. Matagal na kaming magkakilala. Naging big deal lang now," paliwanag ni Mariel.



Ganoon na lang kasi kung ibalita ang paano siya pina-pamper ng binata. Nandiyan ‘yung sinasabing dinadalhan pa siya ng pagkain sa taping o kung nasaan man siya.



"Malay ko ba kung habit niya lang ‘yon, di ba? E, ginagawa naman ‘ata niya sa lahat ang pagdadala ng food," palusot niya.



Kahit na maraming dinadalhan ng food ni Luis pero kung siya pala ang itinatangi nito sa puso niya, may chance naman kaya ang binata para sagutin niya?



"I don't know," sagot ni Mariel. "Honestly, hindi naman siya kasi ‘yung tipong sinasabi ang nasa sa loob niya. Kaya ang alam ko, we're just friends. Wala pa naman akong narinig na sinabi niya sa akin ang ‘I love you, even ‘I like you.' Basta noon pa naman, very close na kami dahil nagkakasama nga kami sa trabaho. Like now, nagte-taping na rin kami ng Your Song.



"CONNECT THE DOTS"
Ngayon pa lang, binibiro na ng press ang trio nina Mariel, Toni, at Bianca na masasabing may "connect the dots" sa isa't isa. Na-link kay Toni si Luis. Si Bianca naman ay kay si Zanjoe Marudo, na na-link din kay Mariel at naging leading man ni Toni sa isang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon pa ng intriga before na diumano'y inaahas ni Mariel si Zanjoe from Bianca. Kaya tuloy, ang tanong ng ilang entertainment press, sila na ba ang bagong version ng "snake sisters"?



"Puwede ba, peacock na lang ako o kaya lovebird?" patawa ni Mariel. "Huwag namang ahas kasi hindi naman ‘yan totoo. Kahit pa anaconda o ano pang klase ng ahas, hindi ko tatanggapin because hindi naman nangyari ‘yung ganoon."



Pero hindi maiaalis sa mga fans nina Bianca at Zanjoe na mag-react nang ganoon kung wala silang nakitang malisya sa pagkakaroon ng kaugnayan ni Mariel with Zanjoe.



"Napag-usapan na namin ‘yan ni Bianca. And you can ask her din naman kung totoo o hindi ang sinasabi ko. Siyempre, affected din siya sa naging reaction ng mga fans nila noon. But after sometime, napatunayan naman na wala talaga. And about that, Bianca tells me nga na ‘They're [fans] weird, they're fighting for something that's not even there,'" kuwento ni Mariel.



Baka lalong magalit ang mga tagahanga ng dalawa sa sinabi niya?



"Hindi naman dapat. I'm answering lang ‘yung itinatanong sa akin," katwiran niya.



Sa kanilang tatlo nina Toni at Bianca, tila si Mariel daw ang lubhang magiging malapit sa masa dahil na rin sa pagiging matabil at madaldal nito, na siyang sinubaybayan sa kanya ng mga Pinoy Big Brother fans sa kanyang Uplate reports noon.



COMPETITION. Handa na ba silang tapatan ang Startalk nina Lolit Solis, Lorna Tolentino, Joey de Leon, at Butch Francisco sa GMA-7?



"Alam namin na isang institusyon na pagdating sa entertainment show ang makakatapat namin. Kaya nga, maiiba naman ang ihahain namin sa mga susubaybay sa Entertainment Live!. Talk show ito with reports from all over the globe na nararating ng TFC [The Filipino Channel] about artists na kailangan nating ibalita naman here. So, hindi ito naka-focus lang sa local showbiz news natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, sa mga guests naman na darating sa show, puwedeng may kumanta, sumayaw or anuman ang puwede nilang gawin to promote a movie, a new show, or anything na kailangan nilang ibalita sa ating viewers," paglalarawan niya sa kanilang programa.



Karaniwan, ang isang celebrity na nagiging talk-show host ay naiging target din ng media para usisain at kalkalin ang personal na buhay. Handa na ba si Mariel na mapakialaman ang personal niyang buhay o mabasag ang katahimikan ng kanyang pagiging pribado sa likod ng kamera?



"I know na there will come a time na puwedeng mangyari ‘yon. They told us naman to be prepared with that. And sa akin, wala naman akong kailangang i-deny dahil lahat naman sinasagot ko. Me, I'm ready!" napaka-bubbly niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN