Toni Gonzaga: "Nawala na ang sumpa!"


When Toni Gonzaga crossed over from GMA-7 to ABS-CBN some years ago, critics cast a jinx on her and she was traumatized. Now, she's still very much on the scene, proving that the curse has lifted.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni Gonzaga sa presscon ng bagong show niya with Mariel Rodriguez and Bianca Gonzales, ang Entertainment Live! kahapon, August 2, sa ABS-CBN compound.



Inamin ni Toni na siya ang pinakamatagal na nag-decide kung tatanggapin ang nasabing programa dahil ang inaasam pala niya ay isang game show ang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.



"Siyempre naman, as an aspiring host—wow, pa-humble—I want to have a show na masasabi mong talagang it's your show. E, noon pa kasi, it was my dream na to have my own show where I can show my skills," sabi ni Toni habang sumusubo ng lollipop.



So, paano siya finally napapayag to be a part of the trio? Gaya ng nasabi at napag-usapan sa press conference proper, imposibleng hindi maapektuhan ang mga personal na takbo ng buhay nila bilang mga celebrities sa usapang showbiz kung saan sila mismo ang uurirat, di ba?



"We know the consequences," sagot niya. "We're not here naman para sirain ang mga tao sa mga ibabalita namin o ihahatid sa mga viewers. It's pure entertainment. Pumayag ako finally because I know I'm in good hands, dahil mga kaibigan ko at barkada pa ang kasama ko sa trabaho. So, I know, magkakasuportahan kami all the way, in all the ways."

Si Toni na ba ang tatanghaling next Kris Aquino sa bago niyang papel sa bagong programa nila nina Mariel at Bianca?



"Hindi! Next Edu [Manzano], yes!" bulalas niya.

Ngayong alam na ng buong bayan na may itinatangi na sa puso si Toni— ang batang Direk Paul Soriano—wala namang dapat ikabahala ang mga tagahanga nila ni Sam Milby, 'ika ni Toni. Magtutuluy-tuloy pa rin ang kanilang loveteam.



"We're doing a movie with Kristine [Hermosa], tentatively titled My Big Love na ididirek ni FM Reyes. Ang alam ko pa lang, Sam will portray the character of a guy na so much obsessed with Kristine. Ako ‘yung magiging tulay nila. And kung ano ang magiging ending, hindi ko pa knows dahil we'll shoot pa lang," kuwento ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Matatandaang nabansagan noon si Toni na "jinx" pero hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanyang showbiz career at patuloy siyang nabibigyan ng magagandang projects ng ABS-CBN.



"Naku, I was so thankful to Vhong Navarro when we did my first-ever movie, ‘yung D' Anothers kasi tumabo ito sa takilya. But before that, dahil naglipat-bahay ako [from GMA-7 to ABS-CBN], na-trauma ako dahil every time na may maririnig akong term na ‘jinx' o ‘jinky,' feeling ko, ako ang tinatawag. E, napaka-positibo ko kasing tao. But that time, sunud-sunod na intriga sa akin ‘yon.

"Ang pinakamasakit, ‘yung ginawa nila sa Mom ko nang isulat nila na napakamalas ko naman daw na anak sa pagkakaroon ng isang inang gaya niya dahil sa ginawa naming paglipat. E, wala naman akong kontrata with GMA-7 that time. But dumaan na ang maraming years. I'm still here pa naman and nawala na nga ang sumpa!" sabi ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN