GMA Artist Center values hardworking Jennylyn Mercado


GMA Artist Center head Yda Henares (right) regards Jennylyn Mercado (left) as "one of the station's important stars" who is hardworking and can deliver.



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang head ng GMA Artist Center na si Yda Henares at tinanong namin kung ano na ang magiging lagay ng career ng contract artist na si Jennylyn Mercado. , ng naturang talent arm ng GMA-7. Tulad ni Angel Locsin, isa rin sa mga GMA-7 talents ni Becky Aguila si Jennylyn.



Walang dapat ikabahala si Jennylyn dahil may mga trabahong nakalaan na para sa kanya sa GMA-7, sagot ni Yda Henares.



May mga naglabasang balita na nakansela raw lahat ng guestings ni Jennylyn sa GMA-7, at ang dapat na pagbibidahan niya na Pasan Ko Ang Daigdig ay napunta na kay Yasmien Kurdi.



Ayon kay Ms. Henares, desisyon daw ng GMA-7 management ang mga magiging projects ng mga contract artists ng Artist Center. Hindi sila nakikialam sa anumang desisyon ng nakakataas. Pero lahat naman daw ng mga artists nila ay may mga trabahong maaasahan.



"In the case of Jennylyn, she has nothing to worry about kasi may naka-line-up na trabaho for her. Inaayos pa kasi naming lahat. Unang-una, may kontrata naman siya sa amin and we will honor that.



"Jennylyn is one of the station's important stars. She was the first StarStruck winner and kahit anong mangyari, aalagaan namin siya. Hindi naman siya dapat madamay sa anumang nangyayaring hindi maganda between the station and her manager. Let's set aside ‘yung kay Jennylyn because masipag naman ‘yung bata and she can deliver naman, kaya huwag siyang mag-alala."



Dagdag pa ni Ms. Henares, hindi na kailangan pang magkaroon ng "loyalty check" sa kanilang mga contract artist. Mahirap na raw ‘yung iisa-isahin pa nila ang mga ito. Basta nagbigay sila ng tiwala, bahala na raw ang mga artista nila na irespeto ang tiwalang iyon.



"Malaki ang trust na ibinibigay namin sa mga artist namin and alam naman namin ang loyalty ng bawat isa. Now, kung tapos na nga ang kontrata nila sa Artist Center and they don't want to renew, wala na kaming magagawa roon. We will respect that as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Marami namang artista ang GMA-7 and we have plans for all of them. Hindi naman namin sila bibigyan ng kontrata if we don't find anything promising sa kanila. Mas rewarding kasi ‘yung patience and lots of hard work."



Hindi na nag-comment pa si Ms. Henares sa nababalitang paglipat din ng isa pang alaga ni Becky Aguila na si Valerie Concepcion sa ABS-CBN. Tanging nasabi lang nito ay tapos na ang kontrata ni Valerie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN