Iwa Moto says she "seduced" a true gentleman


StarStruck talent Iwa Moto posed for FHM magazine after Katrina Halili. She's feisty, she's upfront—but viewers have come to like her candor. She says her upcoming project is "mas matindi pa sa FHM."


"Nanginginig pa at talagang hindi ako mapakali," pahayag ni Iwa Moto nang ikuwento niya sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang naramdaman niya nang kunan ang pag-seduce niya kay Dennis Trillo sa Kung Mahawi Man ang Ulap.

Ayon kay Iwa, first time niya kasing sumabak sa ganito ka-daring na eksena. Pero napalitan daw ang kanyang nararamdaman dahil na rin sa tulong ng kanyang ka-eksena.

Kuwento ni Iwa tungkol kay Dennis, "Sobrang gentleman si Dennis. Grabe, hinayaan ko lang siya, aalagaan ka talaga niya. 'Yung feeling na alam mong hindi ka ite-take advantage ng ka-eksena mo. Grabe ang tiwala ko sa kanya."

Malaking bagay rin daw na single si Iwa ngayon. Mas madali raw kasi niyang nagagawa ang mga eksenang tulad nito.

"Mas maganda 'yung wala kang iniisip. Hindi naman sa pinipigilan ako dati, pero siyempre 'pag single ka, wala kang aalalahanin," dagdag ng StarStruck Batch 3 First Princess.

Limang buwan na silang hiwalay ng dancer na si Yexel Sebastian. Hindi rin itinago ni Iwa na nakikipag-date siya ngayon, pero walang seryosohan muna. Hindi pa niya priority ang makipagrelasyon.

"Trabaho muna, ang daming blessings kaya ito muna ang uunahin ko,"sabi ni Iwa.

Tila blooming naman at pumapayat si Iwa. Naghahanda raw siya kasi para sa isang malaking proyekto.

Huling nakitang nagpaseksi si Iwa sa December 2006 issue ng FHM. Nalinya na rin siya sa mga daring roles, ang huli nga ay ang ginagampanan niya sa Kung Mahawi Man ang Ulap. Nagla-lie low muna raw siya sa pagpapakita ng alindog, pero hindi para huminto sa pagpapa-sexy kundi para maghanda para sa isang malaking pasabog.

"Kung naseksihan kayo sa FHM, mas matindi pa dun, di ko pa puwedeng sabihin, dapat abangan ninyo na lang," pambibitin ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN