Pokwang's "mystery guy" in Barcelona speaks up


"Kung talagang ayaw niya akong kilalanin, okay lang po ‘yon. Ang hindi lang po kasi maganda, parang lamalabas pang nag-iimbento lang ako," says Rozanno Martin (inset) about Pokwang.



Nalagay sa alanganin ang pagkababae ni Pokwang dahil sa mga naglalabasang tsismis tungkol sa diumano'y pakikipag-one-night stand niya sa isang nagngangalang Rozanno Martin sa Barcelona, noong nag-taping si Pokwang ng soap opera roon, kasama sina Toni Gonzaga at Luis Manzano.

Although nagpaliwanag na si Pokwang at nag-isyu na ng denial, patuloy pa rin ang tsismis tungkol sa kanya at sa Pinoy singer.

Sa mga pahayag ni Pokwang , sinabing walang katotohanan ang mga kumalat na tsismis. Aniya, ginagamit lang siya ng naturang Pinoy para makabalik ito sa limelight. May mga tao raw na nakapagsabi sa kanyang magbabalik sa Pilipinas ang dating singer upang ipagpatuloy ang naudlot nitong career bago tumulak papuntang ibang bansa.

Sinabi rin ni Pokwang sa kanyang mga interviews na nagtataka siya kung bakit nga sinabi ng singer na may namuong romansa sa kanila sa mga panahong naroon siya sa Barcelona. Ayon sa kanya, ni hindi nga raw niya ito matandaan at nagtataka siya kung bakit sinasabi nitong nagkaroon sila ng relasyon.

TONI GONZAGA. Nitong bandang huli, pati si Toni Gonzaga na nakasama ng grupo nina Pokwang sa Barcelona ay nadamay na sa isyu. May mga write-ups na sinabi diumano ni Rozanno na testigo si Toni sa relasyon nilang dalawa ni Pokwang.

"Huwag naman sanang pati ibang tao, idamay pa, sobra na ‘yon, Ginagamit na nga nila ako, pati iba, gagamitin pa rin nila?" sabi pa ni Pokwang sa isang interview sa kanya.

Sa panayam naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni, sinang-ayunan niya ang sinabi ni Pokwang na walang namagitan sa comedienne at sa Pinoy singer.

"In our stay in Ibiza at sa iba pang parts ng mga pinuntahan namin nung mag-taping kami doon, never kaming nagkaroon ng chance ni Pokwang na magkahiwalay. Kahit saan pumunta ang isa, kahit yata hanggang sa banyo, we're together. At never na nawala sa paningin namin ang isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Totoo ‘yung sinabi ni Pokwang na kahit nga saan kami pumunta bitbit-bitbit namin ang lahat ng mga gamit namin dahil while working, wala sa amin ang naiiwan sa hotel, o kung saan kami naka-stay, kung hindi kami kasama sa eksena. Kaya alam ko na never nawala sa paningin ko si Pokwang sa lahat ng oras. Kaya, I know, wala o hindi nangyari ‘yang one-night stand na ‘yan," pagpapatotoo ni Toni.

ROZANNO'S VERSION. Naging mainit ang isyu dito sa Pilipinas at nakaabot kay Rozanno Martin ang mga write-ups. Para matigil na raw ang mga ispekulasyon, minarapat na raw niyang magpaliwanag para naman hindi maging unfair kay Pokwang, pati na kay Toni, sa mga isyung naglabasan.

Tumawag sa amin mula sa Costa Brava sa si Rozanno. Ang Costa Brava, ayon sa kanya, ay nasa boundary ng Spain at France.

Si Rozanno ay si Tyrone Oneza na dating singer dito sa Pilipinas. Noong 1995, umalis sa bansa si Tyrone at pumunta sa Europe for greener pastures.

"Nais ko pong linawin ‘yung mga nakararating na intriga sa akin. ‘Yun pong kay Pokwang na nagde-deny daw po siya. Hindi raw po niya ako kilala," panimula niya.

"Na-meet ko po si Pokwang sa airport ng Barcelona. Siya po ang unang bumati sa akin, tinanong niya kung Pinoy ako, parang kilala raw po niya ako. Mula doon, naging magkaibigan kami at nagtataka ako kung bakit nakararating dito sa akin sa Barcelona na hindi raw niya ako kilala.

"Parang imposible ‘yon, pero kung talagang ayaw niya akong kilalanin, okay lang po ‘yon. Ang hindi lang po kasi maganda, parang lumalabas pang nag-iimbento lang ako," sabi ni Rozanno.

"Ang totoo po, talagang hindi ko rin siya kilala noong una. Hindi po kasi ako TFC [The Filipino Channel] subscriber kaya hindi ko siya talaga kilala. It was only when we got to know each other na naikuwento nga niya. Maiksing panahon lang po ‘yon, but I guess ‘yung pagsasama namin is enough para naman hindi niya ako malimutan," makahulugang sabi ng Pinoy singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaliwanag din si Rozanno tungkol sa pangit na isyung naka-one-night stand niya si Pokwang sa Barcelona.

"Unfair naman po talaga ‘yon sa kanya. Assuming na totoo, hindi ko po ‘yon ipamamalita. Basta ang sinasabi ko, we became friends at sa akin, sapat na ‘yon. Mabait si Pokwang at kahit sino pa siguro, gusto siyang maging kaibigan.

"Sana naman po, makatulong sa kanya ang paliwanag kong ito. Masyado naman po kasi akong lumabas na madaldal at un-gentleman kung pati ‘yung private thing sa aming dalawa—sakaling meron man—ay ipagsasabi ko pa. Para sa akin, ‘yung sa aming dalawa ni Pokwang, sa amin na lang ‘yon," pagwawakas ni Rozanno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN