Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Vice Ganda join netizens in posting about earthquake

IMAGE Noel Orsal / @praybeytbenjamin on Instagram

Sharon Cuneta, Vice Ganda, and Regine Velasquez post messages about the earthquake that rocked Metro Manila and Luzon yesterday, April 22.


Maging mga artista ay napa-post din sa social media matapos yanigin ng 6.1-magnitude earthquake ang malaking bahagi ng Luzon nitong Lunes ng hapon, April 22.

Kabilang sa mga nag-post ng mensahe tungkol sa lindol sina Vice Ganda, Regine Velasquez, at Sharon Cuneta.

VICE GANDA

Isang panalangin ang ibinahagi ni Vice sa kanyang Twitter followers:

"Lord we pray na wag na pong magkaroon ng kasunod na lindol.

"Kung magkakaroon man nananalangin po kami na walang masawi, masaktan, mapahamak o masira.

"Ipinagdarasal din po namin ang mga nasalanta. Amen."

Ayon sa ulat, may walong katao sa Pampanga ang nasawi dahil sa lindol.

REGINE VELASQUEZ

Hindi naman makakalimutan ng Asia’s Songbird ang araw na nangyari ang lindol dahil nataon ito sa kaarawan niya.

Ipinagdiwang ni Regine ang kanyang ika-49th birthday kahapon.

Nagbigay ng words of encouragement ang singer sa panahon ng sakuna.

Pahayag niya, “Bago matapos ang araw na Ito nais ko lamang magpasalamat sa lahat ng ng bumati at nakaalala sa aking kaarawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bagamat yumanig ang lupa at may mga nabahala, ang aking panalangin sa araw na Ito ay wag tayong matakot.

"God is with us and I believe that HE will keep us safe."

SHARON CUNETA

Inilahad naman ng Megastar kung ano ang ginagawa niya at asawang si Senator Kiko Pangilinan nang mangyari ang lindol.

Post ni Sharon sa Instagram:

“I hope you are all okay. We were home.

"Kiko woke up from siesta and I was in the bathroom and ran out. Had to lie down sa hilo.

"It is stronger the higher you are, and we live above the 40th floor! We were all asked to go down as the building was checked.

"We are now safely back home. Let’s all keep praying, especially for those in Pampanga and towards Northern Luzon, as well as all other areas.

"This affects the whole country in one way or another. May God bless us all. Love you guys."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GABRIELA ISLER

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe sa mga Pilipino si Miss Universe 2013 Gabriela Isler dahil sa nangyaring lindol.

Nito lamang January 2019, bumisita at nagbakasyon sa Pilipinas si Gabriela.

Ibinahagi pa niya sa post ang pagbisita niya sa Palawan.

Mensahe ng Venezuelan beauty queen: “I am sending all my prayers to the Philippines community affected by an Earthquake a few hours ago ????????. Filipino people are always in my heart and my thoughts.

“Today I would like to share with you some images of my last visit to the Philippines, where I had the chance to learn more about the wonderful indigenous communities in #Coron#Palawan. There is more to do to create awareness and, they can be prepared for future challenges.

“Climate change will be affecting several coastal and vulnerable populations in the future, and they need to be able to adapt to this impact on their livelihoods. They will value your support!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE CELEBS TWEET ABOUT THE EARTHQUAKE

Nag-post status din tungkol sa lindol ang iba pang artista kagaya nina Bianca Gonzalez, Anne Curtis, Jasmine Curtis-Smith, Bela Padilla, Wil Dasovich, at Winwyn Marquez.

KRIS AQUINO

Samantala, na-upload naman sa YouTube ang reaksiyon ni Kris Aquino nang mangyari ang lindol.

Kasalukuyang nagaganap ang press conference ng social media star nang mangyari ang pagyanig.

Kuha sa video kung paano sinikap ni Kris na magmukha pa ring kalmado sa kabila ng lindol, subalit inamin niyang natakot siya at nag-alala para sa kanyang dalawang anak na naiwasan sa kanilang bahay.

Sabi pa ni Kris, nag-alala siya dahil nasa fault line ang kanyang lugar.

https://www.youtube.com/watch?v=PsZFm_p0Nyg


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN