CA upholds 7-year sentence vs celebrity doctor Joel Mendez

IMAGE Courtesy: Joel Cruz / Mathieu Padilla on Facebook

Celebrity doctor Joel Mendez is facing imprisonment after the Court of Appeals (CA) denied his motion for reconsideration.


Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) na nagpataw ng anim hanggang pitong taong pagkakakulong sa celebrity and beauty doctor na si Joel Mendez.

Ito ay dahil sa hindi pagbabayad ni Mendez ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) ng kanyang halos 40 tauhan.

Noong 2016 ay hinatulan ni Judge Rossana Fe Romero-Maglaya ng QC-RTC Branch 88 si Mendez ng anim na taon at isang araw hanggang pitong taong pagkabilanggo dahil sa paglabag nito sa Republic Act 8282 o ang Social Security Act of 1997. 

Umabot sa PHP1.87M ang hindi na-remit ng celebrity doctor sa SSS na kontribusyon sana ng kanyang mga empleyado mula October 2011 hanggang January 2013.

Inapela ito ng kanyang kampo sa Court of Appeals noong August 2018 dahil, ayon kay Mendez, hindi dumalo ang kanyang abugado sa mga hearing o kaya'y hindi ipinaalam sa kanya ang hearing dates.

Sa desisyong pirmado ni Associate Justice Edwin D. Sorongon noong April 16, 2019, nakasaad dito na ibinasura ng korte ang motion for reconsideration na inihain ng doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa pitong-pahinang desisyon, kasalanan ni Mendez kung bakit hindi niya inaalam tuwi-tuwina sa kanyang abugado ang update ukol sa kaso. 

Bukod dito, nahaharap din si Joel sa kasong two counts of rape at attempted rape sa Mandaluyong City Regional Trial Court (MC-RTC) dahil sa mga kasong isinampa ng isa niyang dating modelo.

Ayon sa modelo, minolestiya siya ni Mendez sa isang session nila sa beauty clinic nito.

July 12, 2018, naaresto ng Mandaluyong City Police si Mendez dahil sa mga kasong kinahaharap, ngunit kinabukasan, July 13, ay nakalaya rin ito matapos maghain ng piyansang umabot sa PHP360,000. 

Wala pang pahayag ang kampo ni Mendez tungkol sa desisyon ng CA.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN