Ben Tulfo maligns Regine Velasquez over her tweet against DFA Secretary Teddy Locsin Jr.

IMAGE Noel Orsal / Ben Tulfo Unfiltered Facebook

Ben Tulfo to Regine Velasquez: "C’mon, be real. Ang pagkanta-kanta mong ‘yan, hindi uubra sa sinasabing eto yung mga issues na delicate."


Tinalakan ng komentaristang si Ben Tulfo ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez dahil sa tweet ng singer-actress para kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. noong Holy Week.

Nag-ugat ito sa reaksiyon ni Locsin sa isyu tungkol sa pangunguha ng endangered giant clams ng Chinese vessels sa Panatag Shoal.

Tweet ng DFA secretary noong April 16, Martes: "I am not going down in history as a clam defender, okay? It's a complaint; we're looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market."

Noong April 18, Maundy Thursday, ay nagkomento si Regine sa pamamagitan din ng Twitter:

"Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay [simpleng] tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Locsin sa reaksiyon ni Regine: "Pero ang problem ay hindi po territorio natin yun. EEZ."

BEN TULFO: "ANO BANG ALAM NITONG SI REGINE VELASQUEZ OTHER THAN KUMANTA LANG?"

Noong Lunes, April 22, habang nasa loob ng kanyang sasakyan ay nagpakawala ng maaanghang na salita si Ben Tulfo laban kay Regine sa pamamagitan ng Facebook Live.

Kinuwestiyon ni Tulfo ang kaalaman ng Kapamilya star sa isyung pinag-uusapan.

Patutsada ng komentarista, "Ang mensahe ko sa 'yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think.

"Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo yung isyu and you can talk about it.

"Hindi mo ito balwarte. Yung kaalaman mo, itago mo na lang.

"Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa The Songbird of Asia, hehehe.

"C’mon, be real. Ang pagkanta-kanta mong ‘yan, hindi uubra sa sinasabing eto yung mga issues na delicate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ako sa Bitag, nagsasalita sa isyu, I try to stay away from that until mababalanse ko.

"If you pick on somebody like Teddy Locsin, come on, lalamunin ka niyan.

"He’s gonna chew you up, spit you out."

Ang Bitag ay ang hinu-host na investigative and public service program ni Tulfo, at napapanood sa government-owned network na PTV4.

Idinamay rin ni Tulfo si Vice President Leni Robredo, na tinawag niyang "bobo," dahil sa diumano’y pagpabor nito sa pagsasalita ng mga showbiz personality tungkol sa mga isyung may kinalaman sa pamahalaan.

"Na-inspired si Leni sa mga showbiz entertainer na magsalita tungkol sa isyu.

"There we go again, another B-O-B-O or B-O-B-A… boba!

"Bakit mo hinihikayat sa pagsasalita ang alam, e, pagkanta lamang?

"Wala naman talagang kaalaman sa pagdating sa sinasabing kanilang mga pananaw pagdating sa foreign affairs."

Nagpatuloy si Tulfo sa pangungutya niya kay Regine.

Pahayag niya, "Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung hindi man, career na medyo dwindling down and so, speaking up like may alam pagdating sa mga foreign relations or foreign affairs.

"Ang isang entertainer na I’m not trying to pull down, I question yung kanyang credentials when it comes to college, I don’t even know if she does have any subject in political science.

"Excuse me, kasi if you try to pick on the Foreign Affairs Secretary and then sasabihin mo, 'akala ko ba matalino ka,' hehehe, ang pagiging matalino is relative.

"May mga tao na matatalino, praktikal.

"May mga tao na matatalino, talagang likas ang katalinuhan at alam pagdating sa mga issues, tulad ng foreign affairs. Or, if not, may mga taong matalinong quiet.

"So, yung statement nitong si Regine Velasquez, for me, is something na nakisawsaw, nakiangkas sa isyu na wala naman talagang alam."

Patuloy ni Tulfo, "Mas maganda siguro pag ang isang indibidwal nagsalita, let it be someone expert in the field.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag ikaw kasi ay nandiyan sa sinasabing entertainer ka lang, in a world of entertainment, ang trabaho mo’y magbigay-aliw sa pamamagitan ng pagkanta, para kang pipit, yung Songbird kung tawagin.

"Maraming nagsasabi, 'Siguro itong si Regine Velasquez, ala na talagang career, e, striving.

"For the how many years almost I came to know na bagu-bago pa ang Bitag, Regine Velasquez na ‘yan. Ngayon, nanay na.

"Siguro hindi na matanggap yung kanyang career na medyo dwindling na, e, may pana-panahon lang ‘yan.

"So eto, nagsasalita sa social media talking anything under the sun talking particularly pagdating dun sa sinasabing foreign relations."

Si Regine ay may dalawang umeereng programa ngayon sa ABS-CBN: ang Sunday musical-variety show na ASAP Natin 'To, kung saan siya ang itinuturing na headliner, at ang kasisimula pa lamang na singing search na Idol Philippines, kung saan siya ang pangunahing judge.

Noong nakaraang Pebrero 2019, naging sold-out ang three-night Valentine concert nila ni Vice Ganda na The Songbird and The Songhorse sa Araneta Coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OGIE ALCASID DEFENDS WIFE REGINE VELASQUEZ

Dahil sa pang-aalipusta ni Tulfo, hindi naiwasan ng mister ni Regine na si Ogie Alcasid na ipagtanggol ang Asia's Songbird.

Ngayong Miyerkules ng umaga, April 24, ay nag-post ng mensahe si Ogie para kay Tulfo sa Twitter:

Dahil sa tweet message ni Ogie kay Tulfo, napukaw ang curiosity ng publiko kaya nadagdagan ngayon ang viewers ng two-day-old Facebook Live post ng komentarista.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN