Gwen Zamora replies to netizen questioning her relationship with David Semerad

IMAGE @gwenzamora Instagram

Unfazed by bashers, actress Gwen Zamora tells her basketball player-boyfriend David Semerad: "Yass, ill be your little goof ball any day baby."


Hindi nagpatinag sina Gwen Zamora at David Semerad sa kabila ng pambabatikos ng ilang netizens sa ipinapakitang intimacy ng couple sa kanilang Instagram posts. 

Si Gwen, 28, ay dating mainstay ng GMA-7 gag show na Bubble Gang, habang si David, 27, ay basketball player ng TNT Katropa sa PBA. 

Noong April 20, tila naglalambing si Gwen kay David nang ihayag ng aktres ang pagtatangi niya sa binata. 

Kalakip nito ang wacky picture ng couple kung saan nakalabas ang dila ni Gwen habang si David ay nakanguso at akmang hahalikan ang aktres.

"Yass, ill be your little goof ball any day baby #DavidAndGwenStory," saad sa caption ni Gwen. 

Isang netizen ang pumuna sa umano'y lantarang intimacy ng couple, gayong hindi raw nakasisiguro si Gwen kung panghabambuhay na ang relasyon nila ng nobyo.  

Komento ng netizen, "I hope he marries you because after this youl be a damaged meat even a dog will refuse to eat." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila chill lang ang reaksiyon ni Gwen sa netizen. 

Kalakip ang isang neutral-faced emoji, balik-sagot ng aktres: "what kind of meat are you?" 

Swabeng dinepensahan din ni David ang kanyang girlfriend. 

Aniya, "@gwenzamora let’s cook him up baby, slowly...." 

May ilan ding supporters sina Gwen at David ang nagsabing huwag na lang nilang pansinin ang bashers. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ito ay nabatikos na rin ang couple dahil sa semi-nude photo na pinost ni Gwen sa Instagram noong Biyernes Santo. 

May mga netizen na ring kumuwestiyon noon kung nakasisiguro ba ang aktres na balang-araw ay pakakasalan siya ni David. 

"Soon soon," ang malaman pero bitin ang sagot noon ni Gwen. 

Noong April 14 ay ipinagdiwang nina Gwen at David ang kanilang monthsary, pero hindi nabanggit kung ilang buwan na silang magkarelasyon. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN