Dingdong Dantes assures Marian Rivera comeback after maternity leave

IMAGE Noel Orsal / @dongdantes on Instagram

Dingdong Dantes says he has no regrets abandoning his plans to run for politics, especially now that his wife Marian Rivera recently gave birth to their second child.


Hindi maiwasang itanong kay Dingdong Dantes, 38, kung may posibilidad bang tuluyan nang iiwan ng asawang si Marian Rivera, 34, ang showbiz pagkatapos nitong isilang ang kanilang pangalawang anak.

Isinilang ni Marian ang pangalawang anak nila ni Dingdong, si Jose Sixto G. Dantes IV, noong April 16, Martes.

“Hard to say. Siguro kapag naka-settle down na kami, kapag medyo alam na namin yung routine, tsaka yung sistema...” sagot ng Kapuso Primetime King nang matanong ng entertainment press sa renewal of contract niya sa GMA Network noong April 22.

Base sa sagot ni Dingdong, hindi niya tiyak kung gaano kadami ang trabahong tatanggapin ng asawa at kung kailan gagawin ang mga ito sa oras na magdesisyong bumalik sa showbiz.

“But definitely, hindi niya iiwan ang TV, sigurado ako diyan,” paniniyak ni Dingdong.

“Dahil mahal na mahal niya ang trabaho niya—Sunday PinaSaya, lalong lalo na sa Tadhana.

“Yung dalawang shows na yun, sobrang malapit sa puso niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Sunday PinaSaya ay ang weekend variety show na kinabibilangan ni Marian, habang ang Tadhana ay ang weekend drama anthology na hinu-host nito sa Kapuso network.

Hindi rin isinasara ni Dingdong ang posibilidad na gumawa pa rin ng teleserye si Marian.

“Kung iku-compare natin sa nangyari dati, it took her two years bago nakabalik sa serye.

“So, malay mo, baka this time, mas maiksi… hindi natin alam.”

Matapos isilang ni Marian ang panganay nila ni Dingdong na si Zia noong 2015, ginawa ng aktres ang kanyang comeback teleserye na Super Ma’am noong 2017.

FAMILY FIRST

Sa panganganak ni Marian, ikinuwento ni Dingdong na hindi pa rin niya maitodo ang pagtatrabaho dahil kailangang alalayan niya ang asawa.

“Humihingi ako ng konti-konting breaks kasi wala pa kaming helper, si Marian talaga lahat.

“'Tapos, tumutulong lang ako.

“Mabuti nandiyan ang aming mga biyenan, andiyan yung mommy ko rin, so lahat tumutulong.”

Naging maugong ang balita noon na posibleng pagtakbo ni Dingdong sa 2019 mid-term elections, pero hindi siya nag-file ng candidacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, wala siyang pagsisisi kung hindi man niya itinuloy ang pagpasok sa pulitika.

“Isang napakalaking senyales talaga yung pagdating ni Baby Sixto, di ba?

“Parang nire-assess ko lang talaga kung ano yung mahalaga para sa akin.

"And, for me, sa ngayon, ang pamilya ko ang pinakamahalaga.

“Gagawin ko ang lahat para mapalaki sila nang maayos,” saad ng aktor.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN