Becky Aguila begs GMA-7 not to freeze Jennylyn Mercado's career


Talent manager Becky Aguila (right) sends a teary-eyed plea to GMA-7 management not to freeze the projects of Jennylyn Mercado (left) who, like Angel Locsin, is under her wing.



Ilang araw pagkatapos makabalik ng Pilipinas mula sa London ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila, sa unang pagkakataon ay humarap siya sa entertainment press. Kasamang humarap ang ama ni Angel na si Mr. Angel Colmenares sa presscon ng ABS-CBN na ginanap kagabi, August 3, sa 13th floor ng ELJ Bldg.

Pagkatapos ilahad ang mga pangyayari sa likod ng desisyon nilang iwanan ni Angel ang GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN, isa-isang sinagot ng kontrobersyal na manager ang mga katanungan ng press.



Naluluhang sinagot ni Becky ang tanong sa kanya kung inisip ba niya ang kahihinatnan ng career ng iba pa niyang alaga sa GMA-7 nang magdesisyon siyang ilipat si Angel sa ABS-CBN na naging sanhi upang magkaroon ng lamat ang relasyon niya sa Kapuso Network. Partikular na binanggit ni Becky si Jennylyn Mercado, na magkatulong na mina-manage ni Becky at ng talent arm ng GMA-7 na Artist Center. Hanggang February 2009 pa ang kontrata ni Jennylyn sa Artist Center.



"In a way, naisip ko talaga ‘yon," pag-amin ni Becky. "My first and foremost concern is really Jennylyn. Kasi si Jennylyn still has an existing contract with Artist Center, but then GMA is known for being a Christian station.



"Parang I had, you know, that mixed feeling na siguro naman it's a career move for us [na ilipat si Angel], sa opinyon naming lahat. This is a very professional approach on my part na inisip ko siguro naman hindi nila gagawin ‘yon [i-freeze si Jennylyn] kasi desisyon ito, e. Desisyon ito na ginawa namin for Angel na hindi naman nila mamasamain at hindi naman nila idadamay ang ibang artista ko, ang buong talent agency ko.

"Pero prior pa nga sa paglabas namin sa The Buzz [last July 22], apektado na kami talaga. Ang masakit nga nito, si Jennylyn naiipit which is really unfair. Kasi, case-to-case basis naman dapat ito, e. Hindi naman dapat maapektuhan si Angel," pagaralgal na boses ni Becky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mahal ko kasi si Jennylyn, e. Nasasaktan ako para sa kanya," at dito na tuluyang tumulo ang luha ni Becky.

FROZEN CAREER? Nag-react din si Becky sa balitang kinakansela ng GMA-7 ang mga guestings ni Jennylyn bilang ganti sa ginawang paglipat ni Angel sa ABS-CBN. May balita ring ipi-freeze ng Kapuso Network ang career ng young actress.

Pero nagpahayag na ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Wilma Galvante at ang head ng Artist Center na si Yda Heneras na walang dapat ipag-alala si Jennylyn dahil tutuparin nila ang nakasaad sa kontrata nito.



"Nakikiusap din ako sa may-ari ng GMA, kina Ms. Annette at Atty. [Felipe] Gozon, na bigyan naman ng kunsiderasyon si Jennylyn. Kasi kung ipi-freeze n'yo rin ang bata, mabuti pa, you know, since Christian station naman sila, pakawalan na lang ‘yung bata.



"Kawawa naman kasi si Jennylyn. She's a breadwinner and we all know that. Galing siya sa pagiging battered child. Let's not do this to Jennylyn. Kawawa naman ang alaga ko. Nasasaktan talaga ako. Sana hindi totoo," umiiyak na pahayag ng controversial talent manager.



"Kasi nga," patuloy niya. "Kapuso nga sila, di ba? Christian station nga sila, e. Dapat hindi nila gawin ‘yan. It's not really fair. Hindi dapat madamay at all ang [ibang] mga alaga ko kasi desisyon ito just for one person, and even Angel feels bad. Parang she's still hoping na sana hindi totoo. Kasi may nabasa naman ako recently na sabi ni Ma'am Wilma [Galvante], hindi naman daw maaapektuhan talaga si Jennylyn kasi StarStruck winner siya at hindi nila pababayaan. And I hope it's true.

"Ang problema na lang ngayon is because nga she [Ms. Galvante] was telling in one of her interviews na I'm banned and I burned the bridge. Iyon ang magiging problema kasi ‘yun nga, ang [lack of] communication. But like what I said, this is co-managed. Kung ayaw nila akong kausapin naiintindihan ko ‘yun, e, kasi galit sila sa akin. Hindi ko naman ipipilit ang sairli ko. Pero sana huwag lang nilang idamay ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Bigyan ninyo ng trabaho si Jennylyn. Kailangan niya ng work. Kailangan niyang mabuhay. Kilangan niyang sustentuhan ang pamilya niya. I hope it's not true," dasal ni Becky.



Willing naman daw humarap si Becky sa GMA-7 management anytime naisin nila.



"Iyak nga nang iyak ‘yung bata," malungkot na pagpapatuloy ni Becky. "Pero like what I said, GMA is known for being a Christian station. So siguro ngayon, kaya ganito dahil galit pa sila, e. Sana humupa, di ba?



"Lahat naman minsan kunyari mag-boyfriend tayo, nag-split tayo, nandun ‘yung hurt feeling. But then, after a while magsa-subside rin. And sana eventually, maintindihan nila ‘yon. This is just a professional decision and it has nothing to do with any personalan. Sana nga huwag nang gawing personalan kasi nga it won't also give a bad light to the image ng GMA mainly because it's a Christian station."



UNCHRISTIAN. Hindi naman makasagot agad si Becky nang tanungin kung aabot ba sa demandahan kung saka-sakaling hindi pa rin bigyan ng GMA-7 ng proyekto si Jennylyn pagkalipas ng ilang buwan.



‘That's very unchristian if I would do that," diin ni Becky. "It's really hard to answer your question right now. I'd like to give it some thought and think about it. But I'm really hoping na sana hindi. Sana maayos din ito. Hopefully, huhupa ‘yung galit like what I said earlier. Right now may nakakaintindi, merong hindi. But eventually, makikita rin nila kung bakit pinaboran namin ang pag-transfer dito sa ASB-CBN.



"I'm really hoping that, you know, that we will be able to settle this soon for Jennylyn kasi medyo matagal na rin na walang soap ‘yung bata and she's really very excited to work again. It was really a big disappointment na hindi niya nakuha ‘yung Pasan Ko ang Daigdig kasi sinabihan na siya, e, tapos hindi niya nakuha," banggit ni Becky tungkol sa soap opera na dapat ay gagawin ni Jennylyn, pero napunta kay Yasmien Kurdi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huling regular show ni Jennylyn ay ang Super Twins, pero regular pa rin siyang napapanood sa musical variety show na SOP.



Itinanggi rin ni Becky na may package deal ang mga talents niya kasabay ng paglipat ni Angel sa ABS-CBN. Bukod kay Angel ay pumirma na rin ng kontrata para sa noontime show na Wowowee si Valerie Concepcion.

Nang tanungin naman si becky kung willing siyang pakawalan si Jennylyn kung saka-sakali para mabigyan ng mga proyekto sa GMA-7 ang young actress, sinabi nitong hindi raw. Personal daw kasi ang relasyon ni Jennylyn at para na raw siyang pangalawang ina nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN