Toni Gonzaga to Angel Locsin: "Just be strong and think positive."


"Angel Locsin is already a big star. She doesn't need to prove anything. So, marami na siyang supporters and fans. I don't think hindi niya makakaya ‘yan," says Toni Gonzaga (in photo).


Isa si Toni Gonzaga sa tatlong hosts ng bagong showbiz-variety show na Entertainment Live! ng ABS-CBN; ang dalawa pa ay ang mga kasama niya sa Pinoy Big Brother (PBB) na sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez. Feeling ni Toni ay hindi pa siya handa para maisalang sa ganitong uri ng programa, although nag-host na rin siya noon ng showbiz talk show na Entertainment Konek sa ABS-CBN pa rin, at naging segment host din siya noon sa S-Files ng GMA-7.

"Kasi if you host a show like this, you have to be ready sa pagiging open about your private life and personal life. So, sabi ko nga, it took me sometime to decide on it kasi parang this is also one way of opening your life to the public. Although, public property ka na, pero hindi naman kasi ako, ever since, na know-it-all ang mga nangyayari sa buhay. Pero kapag siyempre nag-host ka na ng ganito, you can't help it," mahabang paliwanag ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Pero tinanggap na rin ni Toni ang show dahil makakasama niya rito ang mga kaibigan at kasamahan din niya sa PBB na sina Mariel at Bianca.

Makakatapat ng Entertainment Live! ang showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk, kung saan isa sa mga host nito ay dating kasamahan ni Toni sa Eat Bulaga! na si Joey de Leon. Hindi kaya magparinig ulit sa kanya si Joey tulad ng ginawa ng komedyante nang lisanin ni Toni ang Eat Bulaga! at lumipat sa ABS-CBN?



"Hindi, hindi na ako pinapansin ni Tito Joey. Non-existent na ako sa buhay niya," nakangiting sagot ni Toni.



ANGEL LOCSIN. Dahil dito, naikumpara tuloy kay Toni ang situwasyong kinakaharap ngayon ni Angel Locsin, na mula sa pagiging Kapuso ay magiging Kapamilya na ngayon .



"Ako naman, I was given big break when I transferred," sabi ni toni. "Unlike ‘yung kay Angel, she‘s really the hottest and most-favored star on that station. When I transferred naman, they're willing to let me go naman. Parang hindi naman ako precious asset during that time na nasa GMA ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala rin daw kontrata noon si Toni sa GMA-7 kaya napakadali ng ginawa niyang paglipat sa ABS-CBN.



"Siguro na-overlook lang ‘yung mga ganung bagay," maikli niyang tugon.



Dahil pareho sila ni Angel na nagmula sa GMA-7, anong masasabi ni toni para mapabilis ang pag-move on ni Angel?



"It's very difficult during those times na you're starting to let go and starting to move on and starting on with a new life, new career, new friends, new people you're working with. It's gonna be a big adjustment. I know that she's a strong person. She will be able to handle everything and she will be able to surpass it, I think," palagay ni Toni.



NEGATIVE WRITE-UPS. Naranasan din ba niya ‘yung nangyari kay Angel na dinagsa ng mga negative write-ups nang lumipat siya sa Kapamilya Network?



"Nag-ninety-two pounds ako nang lumipat ako sa ABS!" sabay tawa ni Toni. "Hindi ko kaya ‘yung mga nega [negative write-ups]!"



Gaya ng "walang utang na loob," "ingrata," at iba pa?



"Ay, lahat ‘yun!" bulalas niya. "Parang talagang lumuwag lahat ang pants ko. Parang nag-extra small ang size ko noon. Kasi ganun pala ‘yun when you're under stress. Even if you eat, you're not gaining weight at all. Talagang feeling mo, haggard na haggard."

Ano ang ginawa niya para mabalik sa dati ang size ng pantalon niya?

"It's a matter of acceptance and facing your problems and being happy with what you have. Ako naman kasi, when I made that decision, I've always been positive na I know that something good is going to happen. I know that there is [good] yet to come. Iyon lang. Just be positive about it and everything will follow."



Mayroon ba siyang maipapayo kay Angel?



"Ano lang, just be strong and think positive. Everything will follow. Basta just have a positive outlook. Angel Locsin is already a big star. She doesn't need to prove anything. So, marami na siyang supporters and fans. I don't think hindi niya makakaya ‘yan," pagtatapos ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN