Busybody Ai-Ai delas Alas on Rosanna Roces: "No comment for life."


"Good for them. Let there be peace on earth," comments Ai-Ai delas Alas (left) about the reconciliation of Rosanna Roces (right) and Lani Mercado. Ai-Ai has a rift with Rosanna and the two have not yet reconciled.



Pagkatapos dumating mula sa isang buwang palabas sa ibang bansa, hinarap muna ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas ang kanyang tatlong anak bago nagpakitang muli sa telebisyon. Ang unang public appearance ni Ai-Ai after her shows abroard ay naganap sa morning show nina Boy Abunda at Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Boy & Kris.



Naging busy rin kasi agad si Ai-Ai pagdating niya ng Pilipinas. Nagkaroon siya ng nationwide tour ng Zonrox na kanyang ini-endorse. May gagawin din dapat siya na TV show noong June, pero nasa abroad siya kaya napunta sa iba ang project.



Sa Miyerkules, August 8, magsisimula na ng shooting si Ai-Ai para sa first movie nila ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto na ididrek ni Wenn Deramas under OctoArts Films.



"Monday, Wednesday, and Friday na lang ang magiging free ko. Pero magtatayo ako ng [bagong] business ko. So, ayan, wala rin ako maibigay na araw para sa ibang raket," sabi ni Ai-Ai sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Sa October, magsisimula na rin si Ai-Ai ng panibagong teleserye niya sa ABS-CBN pagkatapos ng remake on TV ng Sharon Cuneta movie na Bituing Walang Ningning nila ni Sarah Geronimo. Kasama si Ai-Ai sa follow-up soap ng tambalang Kim Chiu at Ai-Ai delas Alas, na isu-shoot sa Japan at makakasama rin dito ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

"Hindi ko alam ang title. Matagal pa naman. Basta ‘yun, akin ‘yon. ‘Pag napalitan ako, saka na ako magwawala!" biro ni Ai-Ai.



Dumalo rin si Ai-Ai sa birthday party ni Cristy Fermin, kasama ang long-time friend niya na si Direk Malu Sevilla. Doon naganap ang pagbabati nina Rosanna Roces at Lani Mercado. Marami rin ang umasa na sana ay nagkaayos din sa party sina Ai-Ai at Osang.



Pero nakaalis na raw sina Ai-Ai at Direk Malu nang maganap ang pagbabati nina Osang at Lani. Ayon kay Ai-Ai, may migraine daw kasi siya noon kaya umuwi sila ng maaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Good for them. Let there be peace on earth," ngiti ni Ai-Ai nang hingan ng rekasiyon tungkol sa pagbabati ng dalawang aktres.



"Alam ko na next question mo, kung ako naman ang kaya ang batiin [ni Osang]?" tila nahulaang tanong namin sa kanya.



"Uniform pa rin ang sagot ko ng anim na taon. Pag tungkol kay Osang, parati akong no comment for life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN