Katrina Halili performs hot scenes with Richard Gomez in "Marimar"


After Lupin, Katrina Halili is set to portray another challenging role in Marimar. Soon she will be launched as a solo lead star. Says one GMA-7 executive, "Her time will come soon."



Inamin ni Katrina Halili na medyo nahirapan siya sa mga eksenang ipinagawa sa kanya ni Direk Joyce Bernal sa bagong soap operang Marimar ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Kapareha kasi rito ni Kat, ang palayaw ni Katrina, si Richard Gomez na bukod sa estado ni Goma bilang isa sa top actors ng bansa, sinabi ni Kat na kinabog siya sa mga eksenang kailangan niyang lambingin o karinyuhin
ang mister ni Lucy Torres.

"Nanginig talaga ang tuhod ko nang unang makaeksena ko si Richard. Siyempre bukod sa Richard Gomez yun, first time ko siyang nakatrabaho, eh. Tapos ang mga eksena pa namin ay yung laging kailangang may halikan
o lambingan kami.

"Mayroon nga kaming eksenang ninerbiyos talaga ako dahil kailangang lambingin ko siya o halik-halikan. Iyong tipong kailangang ako ang kakarinyo sa kanya dahil nahuli niya kami ni Dingdong [Dantes] na naghahalikan. So, para mawala ang galit niya, kailangang karinyuhin ko siya.

"E, sa totoong buhay, hindi ako marunong kumarinyo. Hindi ko ginagawa yun. Ilang na ilang talaga ako sa eksenang iyon," kuwento ni Katrina nang bisitahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Barrakz sa may Morato St., Quezon City kahapon ng hapon, na isa siya sa mga nagmamay-ari.

"Siguro lang ay hindi pa ako handa sa mga ganoong klase ng eksena. Hindi ko kasi expected na si Richard ang makaka-partner ko rito. Although, okey naman po si Richard, mabait siya at nagjo-joke-joke pa sa amin. Siguro para mawala ang tensiyon...Pero noong tumagal na po, medyo nasanay na ako sa kanya, nakikipagbatuhan na rin ako ng joke," pahabol pa ng itinanghal na Sexiest Woman ng FHM Philippines ngayong 2007.

Ayon pa kay Katrina, mas marami silang eksena ni Richard na mga halikan at lambingan kumpara kay Dingdong. At sa tuwing ginagawa nila ang mga eksenang ito'y hindi niya maalis ang pagka-ilang at hiya sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iniisip ko na lang na kunwari close ko sila pareho. Kasi mahirap din palang makipag-kissing scene sa taong ngayon mo lang nakasama at nakatrabaho. Kaya deadma na lang sa kung anuman ang nararamdaman, ang inisip ko ay trabaho ito," paliwanag pa ni Katrina.

Gaganap na isang kontrabida sa Marimar si Kat. Ang dating boyfriend ng karakter niyang si Angelica ay si "Dingdong Dantes". Hindi nagkatuluyan ang dalawa kaya ang karakter ni Goma ang naging asawa niya.

"Tatlong klase ng katauhan kasi ang ipinagawa sa akin. 'Yung una, maldita, 'tapos 'yung nakikipag-usap kay Fulgoso. 'Tapos, 'yung pa-sweet. Eh, siguro mas nakita nila na mas effective akong maldita kaya ang ibinigay sa akin ay 'yung role ni Angelica na maldita at kontrabida.

"Pero okey lang naman sa akin ang lumabas na kontrabida, eh, hindi naman kasi ito ang first time na magiging kontrabida ako. Mas at ease nga ako sa role na kontrabida. And I hope na magustuhan uli ito ng mga tagasubaybay ng mga show ng Siyete," hirit pa ni Katrina.

Si Katrina ang gumanap sa papel ng kontrabidang Black Darna sa top-rated teleserye ng GMA-7 noong 2005, Darna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN