Gerald Anderson not ready to give up career for love

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson on settling down: "I think, sa edad ko, mas malapit na ako dun, so medyo puwede na."


Hindi agad nakasagot si Gerald Anderson nang tanungin kung handa na ba niyang iwan ang kanyang showbiz career para sa pag-ibig.

Ang kasalukuyang karelasyon ni Gerald, 30, ay ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo, 31.

“Parang 13 years ko nang naririnig yung tanong na ‘yan!” natatawang sagot ni Gerald sa presscon ng upcoming movie niya kasama si Julia Barretto, ang Between Maybes, nitong Huwebes, May 2.

“Hindi ba puwedeng pareho? Parehong nasa ‘yo?

“It depends sa sitwasyon ko ngayon.”

Ayon sa Kapamilya actor, kailangan pa niyang magtrabaho para makaipon.

Hindi pa raw niya kayang iwan ang showbiz at lumagay sa tahimik.

“Kailangan ko pang mag-ipon. Maraming pang goals na gusto kong marating.

“But darating yun and, I think, sa edad ko, mas malapit na ako dun, so medyo puwede na mag[-asawa].

“Mas malapit ako dun,” patukoy sa pagkakaroon ng pamilya.

“Hindi katulad nung 17 ako, kung itanong mo sa ‘kin yun, nung 25 ko, sabihin ko, hindi pa, trabaho muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, mas malapit na ako sa ganung stage ng buhay ko.

“But, marami pang kailangang gawin.”

THANKFUL TO KIM CHIU

Nang magsimula sa showbiz si Gerald noong 2006, naging constant leading lady niya si Kim Chiu.

Nagkaroon ng relasyon ang dalawa, pero nauwi rin ito sa hiwalayan.

Pagkatapos ng 13 taon sa showbiz, naipapareha na ngayon sa iba’t ibang leading ladies si Gerald.

Pero kinikilala pa rin ng aktor na naging malaking tulong sa kanyang career ang tambalan nila ni Kim.

“Sobrang thankful ako na kung hindi rin dahil sa love team, I wouldn’t be here.

“Dahil din sa love team namin ni Kim, dun din lang ako nagkaroon ng confidence to explore and dun din ako na-in love sa craft ko.

“But I would say I’m very blessed, grateful.

“Siyempre, it took a lot of hard work also para umabot din kung anuman yung narating ko, and I’m just very thankful.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN